Ang Plano sa Transportasyon ng Seattle (Seattle Transportation Plan)
አማርኛ • اَلْعَرَبِيَّةُ • 繁体字 • Français • हिन्दी• 日本語 • ភាសាខ្មែរ • 한국어 • ລາວ • Oromiffa • русский язык • af-Soomaali • Español • Tagalog • ภาษาไทย • ትግርኛ • Tiếng việt • украї́нська мо́ва • English
Iniisip ng Seatte Transportation Plan kung ano ang magiging hitsura ng paglilibot sa ating lungsod sa susunod na 20 taon. Nilalayon naming gumawa ng matalinong pamumuhunan na nagreresulta sa mas ligtas, mas pantay, maaasahan, napapanatili, at abot-kayang mga opsyon sa paglalakbay para sa lahat sa Seattle. Ang Konseho ng Lungsod ng Seattle ay nagboto nang magkaisa na tanggapin ang Seatte Transportation Plan noong Abril 23, 2024.
Isang plano, isang pangitain
Noong nakaraan, mayroon kaming iba't ibang mga plano para sa paglalakad at pag-rorolling, pagbibisikleta, pagbibiyahe, at kargamento. Ang mga ito ay tinatawag na mga modal na plano. Ngayon, pinagsasama-sama ng Seattle Transportation Plan (STP) ang lahat ng mga planong ito sa isang malaking pananaw.
Binuo namin ang STP nang magkahawak-kamay sa One Seattle Comprehensive Plan. Ang plano ng One Seattle ay gagabay sa kung paano lalago ang ating lungsod sa pabahay, trabaho, at pamumuhunan sa susunod na 20 taon. Ang transportasyon ay isa ring mahalagang bahagi ng plano na ito.
Gagamitin natin ang Seattle Transportation Plan upang gawin ang mga sumusunod na bagay.
- Kilalanin natin kung saan kailangan nating mapabuti ang transportasyon sa hinaharap.
- Isasaayos namin ang aming mga programa at proyekto sa aming plano sa transportasyon at susubaybayan ang aming pag-unlad.
- Magpaplano kami kung papaano namin mababayaran para sa mga pangangailangan ng transportasyon sa hinaharap.
Paano nabuo ang plano?
Aming hinihiling sa inyo na tumulong sa paglikha ng Seattle Transportation Plan kasama namin. Libo-libo sa inyong mga ibinahaging mga ideya at kaalaman ang direktang humubog sa plano. Matuto nang higit pa tungkol sa kung paano kami nagtulungan sa Seattle Transportation Plan:
Sa halos dalawang taon ng pakikipag-ugnayan sa komunidad upang bumuo ng draft na STP, nakatuon kami sa pagpapalakas ng boses ng mga indibidwal na kadalasang nababalewala sa pagpaplanong pang-pamahalaan. Kabilang dito ang mga Itim, Katutubo, o bahagi ng isang komunidad na may kulay; mga indibidwal na kinikilala bilang LGBTQIA+; mga taong nabubuhay sa kahirapan; mga komunidad ng imigrante at hindi nagsasalita ng Ingles; mga kabataan; matatanda; at mga taong may kapansanan.
Narito ang aming ginawa:
- Nakipagugnayan kami sa libu-libong tao sa pamamagitan ng mga kaganapan sa pakikipag-ugnayan sa iba't ibang lokasyon gaya ng mga lokal na pamilihan, aklatan, farmer's market, pagpupulong ng komunidad, piyesta, at mababang-na-serbisyong kapitbahayan.
- Nakikipagtulungan kami sa Department of Neighborhoods Community Liaisons (CLs) upang mapalawak at mapahusay ang aming mga proseso ng pakikipag-ugnayan.
- Nagtatag kami ng mga ugnayan sa mga organisasyong nakabatay sa komunidad at sinuportahan namin ang kanilang mga pagsisikap sa pakikipag-ugnayan, kabilang ang mga sesyon sa pakikinig, pagpupulong, kaganapan, pagpasyal sa mga lugar, at harap-harapan sa isa't-isa na panayam.
- Namahagi kami ng mga karatula sa bakuran, poster, at print ad sa buong Seattle.
- Aming pinapanatili ang kaalaman sa komunidad sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga pagkakataon sa pakikipag-ugnayan at mga pagbabago sa dinamikong Seattle Transportation Plan Online Engagement Hub.
- At marami pang iba.
Narito ang aming natutunan:
Ika-1 Yugto -
Ang Ika-1 Yugto ay nakatuon sa inyong mga pangangailangan at priyoridad sa transportasyon, na nakatulong sa amin na bumuo ng aming kolektibong pananaw para sa kinabukasan ng sistema ng transportasyon ng Seattle. Ang aming Ika-1 Yugto na Ulat sa Pakikipag-ugnayan ay naglalarawan ng mga detalye ng pakikipag-ugnayan na tumakbo mula Mayo hanggang Agosto 2022 at naglalarawan ng mga pangunahing kaalaman na makakatulong sa amin na katuwang-na-likhain ang plano kasama ang mga komunidad ng Seattle.
Ika-2 Yugto -
Sa Ika-2 Yugto, aming ibinahagi ang narinig namin mula sa inyo noong Ika-1 Yugto at ipinakita kung paano ginagabayan ng inyong kaalaman ang pananaw, mithiin, at layunin ng plano. Hiniling din namin sa inyo na ibahagi kung paano niyo ibig makapaglibot sa hinaharap, anong mga aksyon ang ibig ninyong gawin namin, at kung ano ang ibig ninyong makita sa aming unang anyong mga mapa ng transportasyon.
Ang aming Ika-2 Yugto na Buod na Ulat ng Pakikipag-ugnayan ay naglalarawan ng mga detalye ng pakikipag-ugnayan na tumakbo mula Setyembre 2022 hanggang Pebrero 2023. Ginamit ang inyong kaalaman para gabayan ang pagbuo ng unang anyo ng STP at para pinuhin ang unang anyong mga mapa ng network.
Ika-3 Yugto -
Noong taglagas 2023, humingi kami ng balita mula sa publiko sa unang anyo ng Seattle Transportation Plan.
Kabilang dito ang online na pakikipag-ugnayan sa buong lungsod, pagdalo sa mga harap-harapang kaganapan, at pakikipagtulungan sa mga Community Liaisons ng Department of Neighborhoodupang magsagawa ng nakatuon na pag-aabot sa mga sumusunod na komunidad: BIPOC (Black, Indigenous, and Other People of Color), mababa ang kita, imigrante at refugee, matatanda, kababaihan, mga taong nakakaranas ng kawalan ng tirahan o kawalan ng seguridad sa pabahay, at mga taong may kapansanan.
Para sa karagdagang impormasyon tignan ang: Ika-3 Yugto na Buod ng Pakikipag-ugnayan
Ang aming mga layunin
Ang STP ay may anim na mga layunin. Ang bawat layunin ay may mga istratehiya at aksyon na ating magagamit upang maabot ang ating mga layunin.
Kaligtasan
Manguna nang may Kaligtasan
Aming binibigyang-priyoridad ang kaligtasan ng mga manlalakbay sa Seattle. Ang aming layunin ay ang huwag magkaroon ng malubhang pinsala o nakamamatay na mga aksidente. Kabilang sa mga pangunahing aksyon ang:
- Aming binabawasan ang takbo ng sasakyan upang maging mas ligtas ang ating mga lansangan.
- Nakatuon kami sa mga pamumuhunan sa kaligtasan kung saan nangyayari o malamang na mangyari ang malubhang mga pag-babanggaan.
Pagkakapantay-pantay
Sentro ang Hustisya sa Transportasyon
Nakikipagtulunagan kami sa komunidad upang matugunan ang mga hindi pagkakapantay-pantay na nauugnay sa transportasyon. Kabilang sa mga pangunahing aksyon ang:
- Tinutukan namin ang mga tinig ng mga may kulay na komunidad at mga grupo na hindi gaanong kinakatawan sa pagpaplano at paggawa ng desisyon.
- Tinutugunan namin ang mga hindi pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng pagbibigay-priyoridad sa mga pamumuhunan para sa mga apektadong komunidad.
Pagpapanatili
Aksyon sa Klima
Tumutugon kami sa pagbabago ng klima sa pamamagitan ng inobasyon at sa pamamagitan ng isang pundasyon ng katarungan sa klima. Kabilang sa mga pangunahing aksyon ang:
- Pinabuti namin ang kalidad ng hangin at kalusugan ng mga kapitbahayan sa pamamagitan ng pagtataguyod ng malinis, napapanatiling mga pagpipilian sa paglalakbay.
- Ginagawa naming ma-berde ang mga lansangan ng lungsod sa pamamagitan ng pagtatanim sa mga lupain at ng mga puno upang mas mahusay na makayanan ang pagbabago ng klima.
Kadaliang Pagkilos at Ekonomikong Kasiglahan
Pagkonekta sa mga Tao at Mga Kalakal
Nagbibigay kami ng maaasahan at abot-kayang mga opsyon sa paglalakbay upang matulungan ang mga tao at mga kalakal na makarating sa kung saan nila kailangan tumungo. Kabilang sa mga pangunahing aksyon ang:
- Lumikha kami ng mga walang-patid na koneksyon sa paglalakbay.
- Ginagawa naming mas maginhawa at kasiya-siya ang paglalakad, pagbibisikleta, at pag-rolling, lalo na para sa mga maiikling biyahe.
Kakayahang pamumuhay
Mga Kalye Para sa mga Tao, mga Lugar na Mahal Natin
Iniisip naming muli ang mga lansangan ng lungsod bilang mga lugar na nag-aanyaya para magpalipas ng oras at maglaro. Kabilang sa mga pangunahing aksyon ang:
- Ibinabalik namin ang espasyo sa kalye upang bigyang-priyoridad ang mga tao at lumikha ng mga kasiya-siyang lugar na nagpapadali rin sa paghahatid ng mga kalakal at paggagalaw.
- Gumagawa kami ng kaaya-ayang komunidad at mga sentro ng kaganapan para sa masmadaling pagkikilos.
Pagpapanatili at Modernisasyon
Mga Kalyeng Gumagana, Ngayon at sa Kinabukasan
Pinapabuti namin ang imprastraktura ng transportasyon ng lungsod at inihahanda ito para sa hinaharap. Kabilang sa mga pangunahing aksyon ang:
- Pinapanatili namin ang aming mga kalye, bangketa, at tulay, kasama ang nakaplanong kaligtasan at mga pagpapabuti sa network.
- Binabawasan namin ang mga pagkakaiba-iba ng kapitbahayan sa kalidad ng mga kalye, mga bangketa, mga pampublikong espasyo, at mga tulay.
Mga Elemento ng Plano
Kasama sa STP ang walong karagdagang mga kabanata, o Mga Elemento, na nagpaplano para sa iba't ibang bahagi ng aming sistema sa transportasyon. Bilang bahagi ng layunin ng STP na gawing gumagana nang sama-sama ang ating sistema ng transportasyon, ang walong Elemento ay nagbibigay ng detalyadong pagtitingin sa kung paano tayo magpaplano at mag-uugnayan sa iba't ibang gamit ng ating mga kalye, kabilang ang Transit, Mga Bisikleta, Mga Tawiran, at Kargamento, People Streets at Mga Pampublikong Espasyo, Mga Sasakyan, ang Kurbada, at mga opsyon sa Bago at Umuusbong na Pagkikilos.
Narito kung paano namin pinaplano na ituon ang aming mga pagsisikap sa bawat Elemento:
Elemento ng Transit
Nais naming bigyan ng kapangyarihan ang mga tao na makarating sa kung saan kailangan nilang puntahan nang walang pagmamay-ari ng sasakyan. Ang transit ay isang mura at napapanatiling opsyon sa paglalakbay.
Ang aming mga layunin para sa Elemento ng Transit:
- Makipagtulungan sa King County Metro upang maihatid ang mga antas ng serbisyo ng Frequent Transit Network ng SDOT.
- Tumutok sa pagbuo ng isang maaasahang network ng mga daanan ng bus na tumatakbo buong araw, araw-araw.
- Lumikha at pagbutihin ang mga sentro ng kaganapan ng komunidad at ang kadaliang sa pagkilos.
- Magplano ng mas mahusay na akseso sa kasalukuyan at hinaharap na mga istasyon ng light rail.
- Pagbutihin ang paglalakbay sa silangan-kanluran sa pagitan ng mga kapitbahayan at destinasyon.
Elemento ng Kargamento at mga Kalakal Panglunsod
Gusto naming suportahan ang lokal na ekonomiya sa pamamagitan ng maaasahan at ligtas na paggalaw ng kargamento, habang tinitiyak na sinusubaybayan namin ang mga epekto sa mga lokal na kapitbahayan at negosyo.
Ang aming mga layunin para sa Elemento ng mga Kargamento at Kalakal Panglunsod:
- Makipagtulungan sa mga kasosyo sa kargamento at riles upang planuhin at bumuo ng mas mahusay na imprastraktura sa transportasyon sa mga pang-pabrika at pang-industriya na sentro (MICs).
- Tiyakin na ang mga tao at mga kalakal ay madaling ililipat sa mga pangunahing destinasyon, na nakatuon sa mga ruta sa silangan-kanluran.
- Suriin ang paggamit ng mga espesyal na kargamento at daanan ng bus.
- Suportahan ang ligtas at maaasahang pag-akseso sa pamamagitan ng mga sentro sa pagkakaroon ng trabaho at mga MIC para sa BIPOC, sa mga mabababa ang kita, at mga nasisanteng manggagawa, gamit ang mga diskarte tulad ng higit pang mga serbisyo sa gabing-gabi na pag-transit at ang maliwag na magdamag na paradahan ng trak.
- Magdagdag pa ng mga sona sa pagkakarga para sa mga komersyal na sasakyan upang mabawasan ang pagaksaya ng oras ng mga drayber sa paghahanap ng paradahan.
Elemento ng Bisikleta at E-Mobility
Iniisip namin ang isang Seattle kung saan lahat ay maaaring sumakay ng mga bisikleta at mga de-kuryenteng aparato tulad ng mga e-scooter bilang bahagi ng pang-araw-araw na kabuhayan.
Ang aming mga layunin para sa Elemento ng Bisikleta at E-Mobility:
- Palawakin ang network ng bisikleta upang matugunan ang mga pangangailangan ng lahat, anuman ang kanilang edad o kakayahan.
- Siguraduhin na ang bawat pampublikong paaralan ay may ligtas na ruta ng bisikleta.
- Tulungan ang mga mahihinang miyembro ng komunidad na naglalakad, nagbibisikleta, at gumagamit ng mga kagamitan sa paggalaw.
- Suportahan ang mga organisasyong pinamumunuan ng BIPOC upang itaguyod ang aktibong transportasyon.
- Lumikha ng isang programang pang-paradahan sa buong lungsod para sa mga bisikleta, iskooter, at mga aparato ng e-mobility, na nakatuon sa komunidad at mga sentro ng kaganapan sa paggalaw.
- Iangkop ang mga kalye para sa mga bagong kagamitan sa paggalaw tulad ng mga bisikletang pang-kargada, e-scooter, at maliliit na mga de-kuryenteng sasakyan.
Elemento ng Para sa Naglalakad
Ang isang lunsod na maaaring paglalakaran ay makapagpapabuti sa kalusugan, sa pakiramdam ng komunidad, sa ating kapaligiran, at sa ating lokal na ekonomiya.
Ang aming mga layunin sa Elemento ng Para sa Naglalakad:
- Magdagdag at pagbutihin ang kaligtasan ng mga bangketa, mga daanan, at mga nakabahaging kalye.
- Lumikha ng marami pang mga tawiran sa kalye at pagbutihin ang mga kasalukuyang mga ito upang gawing mas ligtas para sa mga taong naglalakad.
- Gawing mas madaling mapupuntahan ang Seattle sa pamamagitan ng mga rampa sa kurbada, naa-akseso na signal, paradahan, at hintuan ng transit.
- Suriin ang isang programa sa pagbabahagi ng gastos sa pag-aayos ng bangketa na tumutulong sa mga may-ari ng mga ari-ariang mababa ang kinikita.
Elemento ng mga Kalyeng Pantao at Pampublikong Espasyo
Ang mga kalye ay hindi lamang para sa paglilibot, dapat din silang maging mga lugar upang masiyahan at upang tuklasin. Ang aming pananaw ay ang mga kalye at pampublikong espasyo na may mahusay na disenyo ay magpapasigla sa ating mga komunidad.
Ang aming mga layunin para sa Elemento ng Kalyeng Pantao at Pampublikong Espasyo:
- Makipagtulungan sa mga komunidad upang lumikha ng mga plano para sa Kalyeng Pantao at Pampublikong Espasyo, na nakatuon sa mga lugar na kulang sa pamumuhunan.
- Makipagtulungan sa mga komunidad upang bumuo ng mga mababang-emisyon na kapitbahayan para sa mas malinis na hangin at mas ligtas na mga kalye.
- Palawakin ang aming programa ng paghahanap ng dadaanan ng mga naglalakad kasama ang mga kasosyo sa komunidad at rehiyon, lalo na sa mga istasyon ng transit.
- Bigyan-priyoridada ang pagtatanim at pag-aalaga ng puno sa mga lugar na sa kasaysayan ay kulang sa pamumuhunan upang madagdagan ang sinasaklaw ng puno sa buong lungsod.
Elemento ng Sasakyan
Ibig naming hikayatin ang paglalakad, pagbibisikleta, at pag-rolling habang patuloy na pinapahusay ang kaligtasan para sa mga taong naglalakbay sa mga sasakyan, gayundin sa mga taong naglalakbay sa labas ng sasakyan na nakikibahagi ng kalsada sa mga taong nagmamaneho.
Ang aming layunin para sa Elemento ng Sasakyan:
- Gawing moderno ang mga kalye ng lungsod sa pamamagitan ng paggawa ng kaligtasan at iba pang mga pagpapahusay na nagtataguyod ng napapanatiling transportasyon kasama ng trabaho sa pagmementena.
- Muling ibukod ang mga kalye at ispasyong kurbada upang ang mga sasakyan ay maaaring kumilos nang masmahusay at mapabuti ang kaginhawaan para sa mga taong naglalakad, nagbibisikleta, nag-roroll, at gumagamit ng pampublikong transportasyon.
- Lumipat sa isang 100% na sero and emisyon ng kalipunan ng mga sasakyan sa lungsod pagsapit ng 2030.
- Magdisenyo ng mga kalye na natural na naghihikayat ng ligtas na pagmamaneho at binabawasan ang pangangailangan para sa pagpapatupad.
- Ipabago kung paano namin sinusuri ang mga proyekto sa kalye upang tumuon sa pagbabawas ng solong pagmamaneho, pagpapababa ng milya ng sasakyang nalakbay, at pagpapataas ng malusog at napapanatiling paglalakbay.
Bago at Umuusbong na Elemento ng Paggalaw
Aming sinusuportahan ang mga bagong opsyon sa paglalakbay tulad ng on-demand na transit, e-bikes, shared scooter, at mga de-kuryenteng sasakyan upang gawing mas ligtas, mas madali, at mas napapanatili ang paglalakbay.
Ang aming mga layunin para sa Bago at Umuusbong na Elemento ng Paggalaw ay:
- Tiyaking nakakatugon ang mga bagong teknolohiya sa transportasyon sa mga kinahahalagahan ng komunidad tulad ng kaligtasan, pagiging patas, at pagtugon sa klima.
- Gumamit ng datos upang pamahalaan ang mga daloy ng paglalakbay, ipaalam sa publiko, at itaguyod ang madaling paglalakbay.
- Bumuo ng mga polisiya para sa konektado at sariling-nagmamanehong mga kotse, na binibigyang-priyoridad ang kaligtasan.
- Isulong ang mga paglipat sa pagkilos gamit ang pagbahagi ng kuryente at mga sasakyang pang-kargada sa pamamagitan ng pagdulot ng mga istasyon ng pagkakarga at mga insentibo.
- Gawing mas maayos ang mga koneksyon sa paglalakbay, lalo na kapag kumokonekta sa transit.
Elemento ng Pamamahala ng Kurbada
Aming kinikilala na ang kurbada ay isang abalang pampublikong espasyo na may magkakaibang mga paggagamitan. Gumagawa kami ng mga bagong paraan upang bigyang-priyoridad at balansehin ang nakikipagkumpitensyang mga pangangailangan.
Ang aming mga layunin para sa Elemento ng Pamamahala ng Kurbada ay:
- Kilalanin na ang gilid ng bangketa ay sumusuporta sa mahahalagang mga pagganap tulad ng kadaliang pagkikilos, pag-akseso para sa mga tao at negosyo, at paradahan.
- Bumuo ng mga paraan upang magpasya kung aling mga pangangailangan at gamit ang dapat bigyang-priyoridad sa iba't ibang mga lugar.
- Bigyan-priyoridad ang paggamit ng kurbada upang suportahan ang napapanatiling mga opsyon sa paglalakbay at ang paghahatid ng mga kalakal at serbisyo kaysa sa imbakan ng pribadong sasakyan.
- Palawakin ang mga lugar para sa may bayad na paradahan sa kalye at taasan ang mga bayarin para mahikayat ang mas mura at mas kaunting polusyon ns mga opsyon sa paglalakbay.
- Itago ang napapanahon na mga talaan ng mga pisikal na pag-aari tulad ng mga kurbada, mga sona ng pagsakay, at mga lugar na pagpaparadahan ng bisikleta/iskooter.
Ano ang Susunod?
Sa 2025, gagawa kami ng aming unang Plano ng Pagpapatupad. Ipapakita ng planong ito kung paano susuportahan ng aming trabaho ang susunod na ilang taon sa pag-unlad tungo sa ibinahaging pananaw at layunin ng STP. Isasapanahon namin ang Plano ng Pagpapatupad tuwing apat na taon.
Ika-1 bahagi ng STP
- STP At-a-Glance[In English]
- STP Executive Summary[In English]
- Ika-1 bahagi ng STP - Buong Sinang-ayunan na Plano[In English]
Ika-2 bahagi ng STP
- Ika-2 bahagi ng STP - Pagpakilala at Pagsasama sa Network[In English]
- Ika-2 bahagi ng STP - Elemento ng Transit[In English]
- Ika-2 bahagi ng STP - Elemento ng Paglipat ng Kargamento at Kalakal Panglunsod[In English]
- Ika-2 bahagi ng STP - Elemento ng Bisikleta at E-Mobility[In English]
- Ika-2 bahagi ng STP - Elemento ng mga Naglalakad[In English]
- Ika-2 bahagi ng STP - Elemento ng mga Kalyeng Pantao at Pampublikong Espasyo[In English]
- Ika-2 bahagi ng STP - Elemento ng Sasakyan[In English]
- Ika-2 bahagi ng STP - Elemento ng Pamamahala ng Kurbada[In English]
- Ika-2 bahagi ng STP - Elementong Bago at Umuusbong sa Paggalaw[In English]
- Ika-2 bahagi ng STP- Lahat ng mga Seksyon Pinagsama-sama- Pinagtibay na Mga Elemento ng Teknikal na Ulat sa Plano [In English] (Large PDF)