Seattle Sidewalk Accessibility Guide
English | Tiếng việt | 中國語文 | 한국어 | Español | Somaliyeed | አማርኛ | Tagalog |
Ginagamit ng mga tao ang mga bangketa ng Seattle upang maglakad, mag-jog, gumulong, at maglaro. Sa ilang mga kaso, hindi madaling ma-access ng mga tao ang mga bangketa dahil sa mga sagabal, hindi magandang mga kondisyon, at mga nawawalang bangketa. Halos 24% ng mga kalye ang kulang sa mga bangketa, karamihan sa hilaga at timog ng Seattle at sa ating mga distritong pang-industriya. Ang Pedestrian Master Plan (PMP) at ang PMP Implementation Plan ng Seattle ang gumagabay sa ating mga pamumuhunan ng mga bagong bangketa at mga daanan para sa mga naglalakad. Tinatanaw ng PMP ang Seattle na maging pinakamadaling lakaran at naa-access na lungsod sa buong bansa. Ibig namin na ang mga tao ay makapaglakad ng ligtas at may kasiyahan sa lalong dumadaming bilang. Gawa na ang paglalakad ang pinaka-naa-access na uri ng transportasyon at libangan, ang de-kalidad na network ng lakaran ay nasa kaibuturan ng isang patas, naa-access na sistema ng transportasyon.
May halos 2,300 milya na bangketa ang Seattle na nakakatulong sa mga tao na makapaglakbay ng ligtas at makakilos sa buong lungsod. Bagama't ang mga pag-aayos ay kadalasang pananagutan ng mga may-ari ng mga ari-arian (tingnan ang Researching Sidewalk Issues), maaaring gumamit kami ng pansamantalang mga hakbang gaya ng aspaltadong mga kalso at mga bisel upang mapanatili ang ligtas na pagdadaan. Bisitahin ang website ng Sidewalk Repair Program at ang Maintenance Program StoryMap para sa karagdagang impormasyon. Upang humiling ng serbisyo, makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng alinman sa mga pamamaraan sa ibaba.
- Tawagan ang SDOT sa (206) 684-ROAD (7623)
- Mag-email sa 684-ROAD@seattle.gov
- Punan ang isang web form
- Gamitin ang Find it, Fix it na app ng lungsod
Ginawa namin itong gabay upang makatulong sa pagturo sa mga may-ari ng lupa, mga nagrerenta, mga kontraktor, at ang naglalakbay na publiko ang sa kung ano ang aming magagawa upang mas mapangalagaan ang mga bangketa. Upang makapagsimula, i-klik ang isa sa mga tungkulin ng user sa ibaba. Makipag-ugnayan sa amin sa SDOTAssets@seattle.gov kung mayroon kayong mga tanong sa gabay na ito.
Interesado ako sa...
Mga Pananagutan ng May-ari ng tahanan
Mga halaman, mga puno, mga sandwich board, karatula at mga utility pole ay maaring makapagpahirap sa mga tao na makalibot sa ating mga bangketa. Tinutukoy namin ang mga bagay na ito bilang nakapirmi at pansamantalang "mga sagabal" dahil nililimitahan nila ang pag-access sa daanan. Anumang bagay na nakapagpapasikip sa lapad ng daanang nilalakaran sa mas makitid pa sa 36 na pulgada gaya ng mga bisikleta at mga scooter ay maaaring ituring na isang sagabal.
Ang Seattle Municipal Code (SMC) Titulo 15 ay nag-aatas sa mga may-ari ng lupa na panatilihing ligtas at nasa maayos na kondisyon ang mga bangketa na katabi ng kanilang lupa upang hikayatin ang pampublikong paglalakbay para sa lahat ng gumagamit ng bangketa. Bisitahin ang aming Site para sa mga Pananagutan ng mga May-ari ng Lupa para sa karagdagang detalye at tingnan ang aming gabay sa ibaba sa paglilinis at pag-aayos ng mga bangketa.
Mga Pananagutan ng Nangungupahan
Mga halaman, mga puno, mga sandwich board, karatula, at mga utility pole ay maaaring makapagpahirap sa mga tao na maglakad, tumakbo, gumulong, atbp. Tinutukoy namin ang mga ganitong mga panghihimasok sa mga karanasan ng mga gumagamit ng bangketa bilang nakapirmi at pansamantalang "mga sagabal" dahil linilimitahan nila ang pag-access sa haba ng daanan. Anumang bagay na nakapagpapasikip sa lapad ng daanang nilalakaran sa mas makitid pa sa 36 na pulgada ay maaaring ituring na sagabal. Ang Seattle Municipal Code (SMC) Titulo 15 ay nag-aatas sa mga may-ari ng lupa na panatilihing ligtas at nasa maayos na kondisyon ang mga bangketa na katabi ng kanilang lupa upang hikayatin ang pampublikong paglalakbay para sa lahat ng gumagamit ng bangketa. Tingnan ang aming gabay sa ibaba tungkol sa paglilinis na mga bangketa.
Mga Pananagutan ng Negosyo
Mga halaman, mga puno, mga sandwich board, karatula, at mga utility pole ay maaaring makapagpahirap sa mga tao na maglakad, tumakbo, gumulong, atbp. Tinutukoy namin ang mga ganitong mga panghihimasok sa mga karanasan ng mga gumagamit ng bangketa bilang nakapirmi at pansamantalang "mga sagabal" dahil linilimitahan nila ang pag-access sa haba ng daanan. Sa katunayan, anumang bagay na nakapagpapasikip sa lapad ng daanang nilalakaran na mas makitid pa sa 36 na pulgada, gaya ng mga bisikleta at mga skooter, ay maaaring ituring na sagabal. Ang Seattle Municipal Code (SMC) Titulo 15 ay nag-aatas sa mga may-ari ng lupa na panatilihing ligtas at nasa maayos na kondisyon ang mga bangketa na katabi ng kanilang lupa upang hikayatin ang pampublikong paglalakbay para sa lahat ng gumagamit ng bangketa. Bisitahin ang aming site para sa mga Pananagutan ng mga May-ari ng Lupa para sa karagdagan detalye at ang aming gabay sa ibaba tungkol sa paglilinis at pag-aayos ng mga bangketa.
Pagpapanatili ng mga Halamanan at Pag-alis ng Mga Labi
Ang mga may-ari ng lupa ay kailangang magpanatili ng halamanan nang hindi bababa sa 8 talampakan sa itaas ng bangketa, 14 na talampakan sa itaas ng gilid ng bangketa, at hindi bababa sa 1 talampakan paatras mula sa dulo ng bangketa. Tingnan ang Tip 611 ng Departamento ng Konstruksiyon at mga Inspeksyon ng Seattle tungkol sa Weed and Vegetation Enforcement para sa karagdagang impormasyon.
Ang grapika ng distansya sa pagitan ng halamanan at bangketa.
Mga halaman, mga puno, mga dahon, nagkalat na graba at mga labi na maaring maging sanhi ng mga isyu para sa mga naglalakad. Ang bawat isa at ang kanilang mga kapitbahay ay kailangang panatilihing malinis ang kanilang mga bangketa mula sa mga kondisyon sa ibabaw at mga sagabal.
Pinapakita ng mga larawan sa itaas ang ilan sa mga hamon na haharapin ng mga tao kung kanilang susubukang gamitin ang inyong bangketa.
Mga Programa sa Paglilinis ng mga Halamanan at mga Labi sa Bangketa
Panatilihin ang mga kalye at mga bangketa ng Seattle na libre sa mga basura sa paglahok sa Adopt-a-Street! o Paglinis sa Panahon ng Tagsibol. Adopt-a-Street ay ang makamasang programa ng Seattle sa pagtanggal ng basura. Sumama sa libu-libong mga boluntaryo na naglilinis ng daan-daang milya na mga kalye at bangketa ng lungsod ng Seattle. Para sa karagdagang impormasyon sa pagtatabas ng puno at mga pahintulot tingnan ang seksyon sa Pagpapanatili ng Puno.
Para sa ilang mga ideya sa paglilinis ng mga dahon at paghahanda para sa panahon ng taglamig tingnan ang aming Blog ng SDOT: Naglalaglagan na ang mga dahon at opisyal nang narito ang taglagas! Oras nang linisin ang ating mga bangketa at simulan ang paghahanda para sa panahon ng taglamig at ang blog ng Seattle Greenways Neighborhood: Linilinis ng mga Boluntaryo ang mga Bangketa at mga Daanan ng Bisikleta sa Timog Seattle: Linilinis ng mga Boluntaryo ang mga Banketa at mga Daanan ng Bisikleta sa Timog Seattle. Sinasaklaw ng huling artikulo kung paano nag-oorganisa ang mga boluntaryo mula sa Rainier Valley Greenways-Safe Streets at Beacon Hill Safe Streets ng isang work party upang magtanggal ng mga labi at mga labis na gumagapang na halamanan mula sa mga bangketa, tanggalin ang bara ng mga drenahe, at linisin ang mga labi ng mga rampa ng curb at mga daanang pangbisikleta sa ilan sa mga lokasyon.
Paglilinis ng Niyebe at Yelo
Napakahirap maglibot ng lungsod kapag umuulan ng niyebe at mas mahirap kung gumagamit ng de-gulong na aparato. Sa pamamagitan ng pagpapala ng niyebe sa harap ng inyong lupa, makakatulong kayong mabawasan ang mga isyu sa pag-access para sa lahat. Nakipagtulungan kami sa Rooted in Rights upang makagawa ng video sa ibaba tungkol sa pagpapala ng snow at pagpapanatili ng access.
Ang mga Mapa ng Pananaliksik tungkol sa mga Bangketa
Ang mga Web App ng Sidewalk Research at ng Maintenance Activities ay makukuha sa aming site ng mga Interactive na Mapa, kasama na ang Accessibility Route Planner ng Seattle at ang mga Assets Map ng SDOT. Pumunta sa seksyon ng Pananaliksik sa mga Isyu sa Bangketa ng gabay na ito para sa karagdagang impormasyon.
Kung ibig ninyong matuto nang higit pa tungkol sa mga asset data, lumikha ng inyong sariling mga mapa, o higit pang makipag-ugnayan sa mga data, tingnan ang aming GIS Open Data Portal.
Kung kayo'y may mga tanong tungkol sa mga mapang ito o nakakita ng mga mali sa data, tawagan kami sa SDOTAssets@seattle.gov para sa lokasyon at asset ID kasama ng hindi wasto o ang kulang na impormasyon.
Pagpapalit ng Bangketa
Ang Seattle Municipal Code (SMC) Titulo 15 ay nag-aatas sa mga may-ari ng lupa na panatilihin ang bangketa sa tabi ng kanilang lupa na maayos at ligtas para sa mga layuning paglalakbay ng publiko. Nasa ibaba ang mga halimbawa ng mga bangketang nangangailangan ng pag-aayos.
Ang bangketa ay nabiyak.
May sira o iba pang mga puwang sa bangketa.
Anumang bahagi ng bangketang maaring gumalaw gamit ang ordinaryong bigat ng paa o ang grado ng lupa o pag-akyat ng bangketa ay nagdudulot ng pag-aalala sa kaligtasan ng mga naglalakad.
Paano makakuha ng Permit
Bago magpaayos ng bangketa, kailangan ng permit. Tinitiyak nito na ang daanan ay alinsunod sa mga pamantayan ng Lungsod at ang imprastraktura tulad ng mga utility at mga puno ay protektado. Tingnan ang Memo sa Pagtulong sa Kliyente 2208, na sumasakop sa impormasyon para sa mga may-ari ng lupa, mga mapagkukunan ng kontraktor, gabay sa pag-aayos ng bangketa at puno, at mga sanggunian. Ang gabay sa disenyo ng bangketa ay ibinibigay sa Kabanata 3.2 ng aming Streets Illustrated na mga pamantayan sa disenyo. Para sa karagdagang impormasyon sa pagtatabas ng puno at mga permit tingnan ang seksyon sa Pananatili ng Puno ng gabay na ito.
Ang pagsama sa inyong mga kapitbahay upang umarkila ng kontraktor ay maaaring maging epektibo sa gastos at mahusay na paraan sa pag-aayos ang mga bangketa. Ang mga may-ari ng lupa ay maaaring makipag-ugnayan sa isang kontraktor upang palitan ang mga bangketa sa harap ng kanilang mga tahanan sa ilalim ng nag-iisang permit, na maaaring makatipid ng libu-libong dolyares.
Access sa Konstruksyon
May mga paraan na nakakatulong upang panatilihin ang access sa bangketa habang may konstruksyon. Siguraduhing magbigay ng mga daan na walang mga karatula at mga labi, gamitin ang mga matitibay na harang, magsama ng mga rampa, at kumpirmahin na ang bakod para sa konstruksyon ay nagbibigay ng sapat na lapad para sa pag-access.
Mga pansamantalang sagabal, gaya ng sandwich board na nakikita sa ibaba, ay nagpapahirap sa mga taong may gamit na de-gulong na ma-access ang bangketa. Para sa karagdagang impormasyon sa Paggalaw ng mga Naglalakad sa Paligid ng mga Sona ng mga Tinatrabaho, tingnan ang Panuntunan ng Direktor 10-2015.
Tinuturuan ng video na ito ang mga taong nagtatrabaho sa right of way sa kahalagahan ng pagpapanatili ng access. Matuto ng higit pa tungkol sa Right-of-Way (ROW) na Konstruksyon sa aming website.
Pangangalaga ng Inyong mga Drenahe at Mga Sewer sa Tabi
Bisitahin ang website ng Kaalaman at mga Pananagutan para sa Kanal sa Tabi ng Pampublikong Utility ng Seattle upang matuto ng higit pa tungkol sa pangangalaga ng inyong sewer na tubo at ang pag-troubleshoot. Tingnan itong mga makakatulong na mga gabay sa pagbabawas ng mga bara at pag-backup sa sistemang imburnal: Ano ang Dapat I-Flush, at Mga Taba, mga Langis, at Grasa.
Pagkakarga ng mga Sasakyang de-Kuryente
Kayo ba'y namumuhunan sa isang sasakyang de-kuryente at gustong tiyakin na maaari ninyong kargahan ito mula sa inyong tahanan patungo sa kalye sa harap ng inyong tahanan? Narito ang Client Assistance Memo (CAM 2119) para gamit pantahanan na nagbibigay ng gabay kung paano maglagay ng charging chord na tumatawid ng mga bangketa nang hindi gumawa ng isyu sa pagtatalisod.
Mga Alituntunin sa mga Cafe sa Bangketa
Matuto ng higit pa tungkol sa mga alituntunin sa mga cafe sa bangketa at ang mga hamon ng mga hadlang tulad ng mga payong, mga frame sign, mga lamesa, at mga upuan sa video na ito.
Pag-aalaga ng inyong mga Drenahe at mga Sewer sa Tabi habang Iniiwasan ang Polusyon ng Tubig-ulan
Bisitahin ang website ng Kaalaman at mga Pananagutan para sa Kanal sa Tabi ng Pampublikong Utility ng Seattle upang matuto ng higit pa tungkol sa pangangalaga ng inyong sewer na tubo at ang pag-troubleshoot. Tingnan itong mga makakatulong na mga gabay sa pagbabawas ng mga bara at pag-backup sa sistemang imburnal: Ano ang Dapat I-Flush, at Mga Taba, mga Langis, at Grasa. Narito ang karagdagang impormasyon tungkol sa kung paano makatanggap ang mga negosyo ng libreng mga Spill Kit sa pag-iiwas sa polusyon at mga plano upang maging alinsunod sa mga regulasyon tungkol sa tubig-ulan.
Pagsasaliksik sa mga Isyu sa Bangketa
Ang mga Web Applications para sa Sidwalk Research at Maintenance Activities ay makukuha na sa aming site sa Interactive Maps, kasama na rito ang Seattle Accessibility Route Planner at ang SDOT Assets Map. Kung ibig ninyong matuto nang higit pa tungkol sa mga asset data, lumikha ng inyong sariling mga mapa, o higit pang makipag-ugnayan sa mga data, tingnan ang aming GIS Open Data Portal.
Kung kayo'y may mga tanong tungkol sa mga mapang ito o makakita ng mga mali sa data, tawagan kami sa SDOTAssets@seattle.gov kasama ang lokasyon at asset identifier pati na rin ang mga hindi tama o nawawalang impormasyon.
Aplikasyon para sa Pananaliksik sa Bangketa
Ang layunin ng mapa para sa Pananaliksik sa Bangketa ay upang makapagdulot ng plataporma para makapagsaliksik ang mga tao sa mga obserbasyon sa bangketa at mga kaugnayang data gaya ng mga puno sa kalye, mga kanal sa tabi, mga tubo ng tubig, at ang pag-aari ng lupa.
Sa kaliwang tuktok ng aplikasyon ay isang search bar na may magnifying glass. Ilagay ang mga address, mga asset ID, mga bilang ng external reference mula sa Find It, Fix It na mga app request, o mga lugar sa loob ng mga hangganan ng Lungsod ng Seattle, at tatahakin ng mga mapa tungo sa lokasyon na iyon. Ang mga plus at minus na icon sa kaliwang itaas ay ginagamit para mag-zoom na palapit at palayo sa screen. I-klik ang mga kapuna-punang bagay sa mapang interactive upang maipakita ang kinatatangiang impormasyon sa isang pop-up. Ang data ay maaari ring makita sa talahanayan ng katangian na matatagpuan sa ibaba ng bawat mapa. Maaaring i-export ang data sa talahanayan sa isang excel na spreadsheet gamit ang drop-down na menu na "Mga Opsyon". Ang About widget (ipinapakita sa ibaba) ay nagbibigay ng gabay sa kung paano din tahakin ang aplikasyon.
Mayroong ilang patong na maaaring i-on at i-off sa aplikasyon ng Sidewalk Research.
- Ang patong ng Mga Puno ay sinasagisag ng pagmamaay-ari ng puno. I-klik ang iba't ibang kulay na mga bilog upang malaman ang karagdagang impormasyon sa mga tipo ng species, laki, at kung kailan huling nabisita ang puno sa pop-up na menu.
- Ang data sa Pag-obserba ng Bangketa ay sinasagisag ayon sa tipo ng obserbasyon. I-klik ang mga punto upang makita ang data tungkol sa partikular na obserbasyon tulad ng petsa ng inspeksyon, uri ng obserbasyon, at pinakamalapit na numero ng parcel ID. Aming winawasto o pinapanahon ang data ng obserbasyon kapag kami ay naabisuhan tungkol sa mga pag-aayos sa bangketa na isinagawa ng aming mga crew o kapital, pribado, at mga proyekto ng utility.
- Pinapakita ng mga Di-naayos na mga Bangketa kung saan nawawala ang mga bangketa.
- Ang data ng asset ng bangketa ay sinasagisag ayon sa kundisyon. Upang matuto ng higit pa tungkol sa kung paano nakolekta ang data simula sa 2017, tingnan ang Sidewalk Assessment at Conditions StoryMap sa loob ng Gabay sa Bangketa na ito.
- Ang mga Curb Ramps ay sinasagisag ayon sa kondisyon at kategorya.
- Ang mga Tabing Kanal at Laterals at Water Services SPU at mga Pribadong Patong ay nagpapakita ng mga serbisyo ng tubig at drenahe sa ilalim ng lupa.
Ang mga patong na ito, na pinapanahon linggu-linggo kasama ng metadata, ay maaaring ma-access sa website ng Open Data ng Lungsod sa isang tabular na CSV na balangkas, para sa paghahanap na batay sa teksto, kasama ng iba pang mga balangkas na ginagamit sa mga aplikasyon ng pagmamapa. Para sa karagdagang impormasyon sa aming Programa sa Pag-aayos ng Sidewalk, tingnan ang aming Maintenance StoryMap.
Naayos na ba ninyo ang inyong bangketa? Gamitin ang sidewalk research map upang makilala ang impormasyon sa sidewalk pagkatapos ay magpadala sa amin ng email sa SDOTAssets@seattle.gov at isama ang address ng lupain, ID ng obserbasyon, numero ng permit, at mga larawan ng lugar sa bangketa na naayos na.
Aplikasyon sa Mga Aktibidad sa Pagpapanatili ng Bangketa
Ang layunin ng mapa ng Mga Aktibidad sa Pagpapanatili ay magbigay ng isang plataporma para sa pagtingin at paghahanap ng mga aktibidad sa pagpapanatili ng bangketa.
Sa kaliwang tuktok ng aplikasyon ay isang search bar na may magnifying glass. Ilagay ang mga address, mga asset ID, mga bilang ng external reference mula sa Find It, Fix It na mga app request, o mga lugar sa loob ng mga hangganan ng Lungsod ng Seattle, at tatahakin ng mga mapa tungo sa lokasyon na iyon. Ang mga plus at minus na icon sa kaliwang itaas ay ginagamit para mag-zoom na palapit at palayo sa screen. I-klik ang mga kapuna-punang bagay sa mapang interactive upang maipakita ang kinatatangiang impormasyon sa isang pop-up. Ang data ay maaari ring makita sa talahanayan ng katangian na matatagpuan sa ibaba ng bawat mapa. Maaaring i-export ang data sa talahanayan sa isang excel na spreadsheet gamit ang drop-down na menu na "Mga Opsyon". Ang About widget (ipinapakita sa ibaba) ay nagbibigay ng gabay sa kung paano din tahakin ang aplikasyon.
Mayroong ilang patong ng trabaho na maaaring i-on at i-off sa application.
- Kung ang bangketa ay itinaas nang hindi hihigit sa humigit-kumulang 1.75 pulgada, maaari tayong mag-bevel, o dikdikin, ang pagkakaiba upang makagawa ng isang patag na ibabaw. Ang mga bevel ay likas na pansamantala at nakakatulong na mabawasan ang mga lokasyong ito.
- Naglalagay kami ng mga aspalto sa ibabaw ng mga bitak at pag-angat ng bangketa. Ang mga "shims" na ito ay likas na pansamantala at tumutulong upang gawing mas ligtas ang nasirang lugar para sa mga naglalakad bago magawa ang pangmatagalang pagkukumpuni.
- Ang pag-aayos ng bangketa at curb ramps ay mas permanente at kadalasang kabilang ang pagpapalit ng buong panel o paggawa ng curb.
Ang mga patong na ito, na pinapanahon linggu-linggo kasama ng metadata, ay maaaring ma-access sa website ng Open Data ng Lungsod sa isang tabular na CSV na balangkas, para sa paghahanap na batay sa teksto, kasama ng iba pang mga balangkas na ginagamit sa mga aplikasyon ng pagmamapa.
Para sa karagdagan impormasyon sa aming Programa sa Pag-aayos ng Bangketa, tingnan ang aming Maintenance Program StoryMap.
Ang Pagpapanatili ng Puno
Bago tabasin ang mga ugat at mga sanga ng puno na higit sa 2 pulgada ang diyametro, o anumang malaking pagtatabas na higit sa 15% ng lugar na pinagtutubuan ng mga dahon, dapat kayong mag-ayos ng permit at makipag-ugnayan sa isang SDOT arborist upang suriin kung paano makakaapekto ang pagtatabas sa kalusugan ng puno at kaligtasan ng publiko. Bisitahin ang aming website ng Street Tree Permits o Tumawag sa 206-684-TREE (8733).
Ang Sidewalk Research at SDOT Assets Map na mga Aplikasyon sa Web ay makukuha sa aming site ng Interactive Maps. Kasama sa mga mapang ito ang impormasyon ng pagmamay-ari sa Street Trees ng Seattle. I-klik ang iba't ibang kulay na mga bilog upang malaman ang karagdagang impormasyon sa pagma-may-ari ng puno, tipo ng species, mga laki, at kung kailan namin huling nabisita ang puno sa pop-up na menu. Gamitin ang magnifying glass sa kaliwang itaas upang maghanap sa isang address o lugar o ang plus at minus na mga icon sa kanang ibaba upang mag-zoom palapit at palayo sa screen.
Ang data ng puno ng kalye ay maaaring ma-access sa site ng Open Data ng Lungsod sa isang tabular na CSV na balangkas, para sa paghahanap na batay sa teksto, kasama ng iba pang mga balangkas na ginagamit sa mga aplikasyon ng pagmamapa.
Upang matuto nang higit pa tungkol sa mga puno sa kalye ng Seattle at sa urban canopy, bisitahin ang aming Street Tree StoryMap. Bisitahin ang Side Sewer Info & Responsibilities website ng Seattle Public Utilities upang matuto nang higit pa tungkol sa pangangalaga ng inyong sewer na tubo at pag-troubleshoot ng mga isyu sa ugat ng puno. Tingnan itong mga makakatulong na mga gabay sa pagbabawas ng mga bara at pag-backup sa sistemang imburnal: Ano ang Dapat I-Flush, at Mga Taba, mga Langis, at Grasa.
Paano binibigyan ng Priyoridad ng Lungsod ang Pagpapanatili at Paglalagay ng Bangketa
Pagpapanatili ng Bangketa
Ang aming diskarte sa pagpapanatili ay nagbibigay ng priyoridad sa pag-aayos at mga spot treatment ng bangketa batay sa mga epekto sa paggalaw, panganib, gastos, at paggamit kasama ng mga salik sa heograpiya at pagkakapantay-pantay. Nakikipagtulungan din kami sa iba pang mga kapital na proyekto na katabi ng mga bangketang nangangailangan ng pag-aayos. Ang layunin ay magdulot ng pinakamahusay na halaga sa komunidad gayun mang limitado ang badyet sa pag-aayos.
Ang bawat bangketa ay binibigyan ng marka sa apat na iba-ibang kategorya: panganib, kapansanan sa paggalaw, halaga ng gastos, at paggamit. Ang panganib ay tinitimbang ang potensyal na panganib ng pinsala sa mga gumagamit ng bangketa. Ang Kapansanan sa paggalaw ay kinukuha ang hirap ng mga gumagamit na may limitasyon sa abilidad na maglakad. Aming tinatantiya ang potensyal na gastos upang maiwasto ang kondisyon ng bangketa. Ang Marka sa paggamit ay tinatantiya ang bilang at layunin ng mga gumagamit ng bangketa. Ang mga bangketang malapit sa mahalaga at may mataas na pangangailangan na mga pasilidad, kabilang ang mga pasilidad ng gobyerno (mga sentro ng komunidad, aklatan, parke, serbisyong panlipunan), serbisyong pangkalusugan/mga ospital, mga istasyon at mga koridor ng transit, sentro ng pagtatrabaho, mga paaralan, at pabahay para sa mga matatanda/may mga kapansanan.
Para sa karagdagan impormasyon, bisitahin ang Sidewalk Repair Program, Maintenance Program, at ang 2020 Policy Recommendations for Sidewalk Repair in Seattle Report ng Evans School ng Pamantasan ng Washington.
Upang makita ang mga kasalukuyang tinatrabaho at naisaradong mga utos na trabaho, tingnan ang aming Sidewalk Mainitenance Activities Web Application.
Mga Bagong Bangketa at mga Daanan
Karamihan sa mga bangketa sa Seattle ay nabuo noong panahong bawat lugar ay unang hinati at nabayaran sa pamamagitan ng Local Improvement Districts (mga LID), kasama ang mga kalye, mga kanal, at serbisyo ng tubig ng bawat development. Hindi lahat ng mga developer ay piniling magtayo ng mga bangketa. Ang mga lugar na naisama sa lungsod noong 1950s ay ginamit ang mga pamantayan ng unincorporated King County na hindi nangangailangan ng mga bangketa.
Ang Programang Pagpapaunlad ng Bangketa ay gumagamit ng pamantayan sa pag-priyoridad na naistablisado sa Pedestrian Master Plan (PMP).
- Ang pagpopondo para sa mga bagong bangketa sa Seattle ay kasalukuyang nanggagaling mula sa iba't ibang mapagkukunan, kabilang ang:
- Ang Programa sa Pagpapaunlad ng Bangketa
- Ang Programa ng Mga Ligtas na Ruta Patungong Paaralan (SRTS)
- Pondo para sa Kalsada sa Kapitbahayan
- Mga Kapital na Proyekto
- Mga Halagang Nalikom sa mga Speed Camera sa Paaralan
- Pribadong Pag-unlad
- Iba pang mga ahensya
Mga proyektong napondohan gawa ng programang Ligtas na Ruta Patungong Paaralan ay binibigyang priyoridad sa parehong paraan. Ang mga aplikasyon sa programang Neighborhood Street Fund ay binibigyang priyoridad ng komunidad, at pinagbobotohan ng mga miyembro ng komunidad sa bawa't Distrito ng Konseho. Ang huling pagpili ng proyekto ay isinasagawa sa pamamagitan ng Komite ng Move Seattle Levy Oversight.
Ang mas malaking mga proyekto na nakakaapekto sa mga bangketa ay dinagdag sa aming Mapa ng Koordinasyon ng Proyekto at Konstruksyon.
Tingnan ang aming StoryMap ng mga Bagong Bangketa at Daanan para sa karagdagang impormasyon.
Pagiging Kasangkot
May ilang magagandang paraan ang Seattle para makibahagi maging sa kung ibig ninyong makilahok sa isang lupon, linisin ang halamanan sa inyong kapitbahayan, o inyong ipaalam sa amin kung inyong naayos na ang inyong bangketa.
Sumali sa Seattle Pedestrian Advisory Board o dumalo sa mga pagpupulong
https://www.seattle.gov/seattle-pedestrian-advisory-board
Makilahok sa SDOT
https://www.seattle.gov/transportation/about-us/get-involved
Mga Boluntaryong Pagpupunyagi para sa Paglinis ng Halamanan
Panatilihin ang mga kalye at mga bangketa ng Seattle libre sa basura sa pamamagitan ng paglahok sa Adopt-a-Street o Spring Clean.
Adopt-a-Street ay ang makamasang programa ng Seattle sa pagtanggal ng basura. Sumama sa libu-libong mga boluntaryo na naglilinis ng daan-daang milya na mga kalye at bangketa ng lungsod ng Seattle.
Para sa ilang mga ideya sa paglilinis ng mga dahon at sa paghanda para sa panahon ng taglamig, tingnan ang aming SDOT Blog: Ang mga dahon ay naglalaglagan at ang taglagas ay opisyal nang narito! Oras na para linisin ang ating mga bangketa at simulan ang preparasyon para sa panahon ng taglamig at ang blog ng Seattle Greenways Linilinis ng mga Boluntaryo ang mga Bangketa at mga Daanan ng Bisikleta sa Timog Seattle. Sinasakop ng nakaraang artikulo kung paano nag-oorganisa ang mga boluntaryo mula sa Greenways-Safe Streets ng Rainier Valley at Safe Streets ng Beacon Hill ng isang party habang nagtatrabahong tanggalin ang mga nakakalat na bagay-bagay at mga naglalakihang mga halamang gumagapang sa ating mga bangketa, linisin ang mga drenahe, at linisin ang mga kalat sa mga curb ramps at mga daanan ng bisikleta sa ilang mga lokasyon.
Ipaalam sa amin kung inyong inayos ang inyong bangketa
Naayos na ba ninyo ang inyong bangketa? Gamitin ang mapa ng Sidewalk Research upang makilala ang impormasyon sa bangketa at magpadala sa amin ng email sa SDOTAssets@seattle.gov at isama ang adres ng lupa, ID ng obserbasyon, numero ng permit, at mga larawan ng lugar ng bangketa na nagawan ng pag-aayos.
Paano humiling ng mga Bangketa at mga Pagpapabuti
Liban sa pakikilahok sa Seattle Pedestrian Advisory Board, maraming mga programa ang Lungsod ng Seattle na nakikipag-ugnayan sa ating mga komunidad upang kilalanin ang mga pagkakataon ng sidewalk network:
- Ligtas na mga Ruta Patungo sa mga Paaralan
- Inyong Boses, Inyong Pinili
- Ang Neighborhood Matching Fund
Kasayasayan ng Bangketa at mga Kondisyon ng Pag-aari
Tiningnan ng aming 2017 Pagsusuri ng mga Bangketa ang mga isyu sa ating mga bangketa upang kilalanin ang mga pangangailangan sa pag-aayos sa pangkalahatang sistema: nagrekomenda ng pagpopondo para sa mga proactive na pag-aayos; dagdagan ang kamulatan sa mga pangangailangan ng pagpapanatili ng sidewalk; isabatas ang isang programa sa pag-iinspeksyon at pagpapatupad; tumugon sa mga paghahabol at suportahan ang mga pagpupursigi sa litigasyon; pagsamantalahan ang mga oportunidad sa pagpopondo; at ipaalam sa mga may-ari ng lupa ang ukol sa pananagutan.
Kasunod ng pagsusuri, tumaas ang badyet sa pagpapanatili ng bangketa, at sinimulan namin ang bigyan ng priyoridad ang diskarte sa buong lungsod upang matugunan ang mga obserbasyon. Ang aming diskarte sa pagpapanatili sa ngayon ay binibigyan ng priyoridad ang mga pag-aayos ng mga bangketa at mitigasyon batay sa mga epekto sa pagkilos, panganib, gastos, ang paggamit kasama ng pamamahagi ayon sa heograpika at katarungang panlipunan, habang ginagamit ang ibang mga kapital na proyekto na katabi ng mga bangketang nangangailangan ng pag-aayos. Ang layunin ay magdulot ng pinakamahusay na halaga sa komunidad gayun mang limitado ang badyet sa pag-aayos.
Tingnan ang aming Sidewalk Assessment & Conditions StoryMap at ang Equity section para matuto ng higit pa.
Pagkakapantay-pantay
Kinakailangang harapin ng transportasyon ang mga pangangailangan ng mga komunidad na may kulay at ang lahat ng kung anumang mga kinikita, mga abilidad, at mga edad. Nakikipagtulungan kami sa aming mga komunidad upang magtatag ng sistema ng transportasyon na may pagkakapantay-pantay ng lahi at may panlipunang katarungan. Sinisikap naming tugunan ang mga makasaysayang pagkakaiba sa mga komunidad na Itim, Katutubo at mga Ibang Lahi (BIPOC) sa pamamagitan ng pag-direkta ng mga mapagkukunan sa mga komunidad na kulang sa serbisyo at sa pagsuporta sa tunay na pakikipag-ugnayan.
Ang mga komunidad na may kulay, mga komunidad na mabababa ang kita, mga komunidad ng imigrante at refugee, mga taong may mga kapansanan, at mga taong nakakaranas ng kawalan ng tirahan o kawalan ng katiyakan sa pabahay ay malamang na manirahan, magtrabaho, maglaro, at mag-aral sa nakatuong mga lugar, kabilang madalas ang mga dating na-redline na mga kapitbahayan, o nailipat nang pilit sa mga lugar na may mga hadlang sa ligtas, napapanatiling kapaligiran, naa-access, at abot-kayang transportasyon at pabahay kasama ng iba pang patuloy na pagkakaiba sa sosyo-ekonomiko batay sa lahi.
Kapag ang kahilingan ng customer ang pangunahing driver para sa bago at napapanatiling imprastraktura, ang mga mas mayamang parte ng Seattle ang maaaring magkaroon ng mas mabuting kalidad at mas maraming asset dahil sa mga itong makasaysayang hindi pagkapantay-pantay sa serbisyo at hindi katimbang na kayamanan ng komunidad. Dapat natin siguraduhin na hinaharap ng ating sistema ng transportasyon ang mga pangangailangan ng lahat.
Ang pagsusuri ng pagkakapantay-pantay ay nangangailangan ng data tungkol sa mga tao at mga lugar na sa kasaysayan ay naapektuhan, sa kasalukuyan at sa kinabukasan. Ginagamit namin ang aming data upang suriin at kilalanin ang mga pagkakaiba sa imprastraktura at mga serbisyo, bigyan ng priyoridad ang mga pamumuhunan gamit ang mga lente ng pagkakapantay-pantay, at upang mapabuti ang pag-aabot ng mga aktibidad sa pagpapanatili.
Kabilang sa aming data ang mga kondisyon ng mga asset, mga katangian, at ang ibang regular na napapanahon na mga impormasyon na sumusuporta sa pagsusuri ng pagkakapantay-pantay ayon sa lokasyon. Ginagamit namin ang mga katangian ng asset data gaya ng uri, laki, edad, kondisyon at nakaplanong imprastraktura upang suriin ang kondisyon ng asset sa paglipas ng panahon, pagsasagawa, mga implikasyon sa panganib, at serbisyo upang ipamahagi ng mas pantay-pantay ang mga estratehiyang pag-aayos at pagpapalit. Maaaring ipakita ng data ang mga lokasyon kung saan mababa ang mga marka ng kondisyon ng imprastraktura subalit ang priyoridad sa pagkakapantay-pantay ay mataas, o kung paano ginawa ang nakaraang trabaho sa buong lungsod.
Noong 2021, sinuri ng Auditor ng Lungsod ang Programa ng Pagpapanatili at Pag-ayos ng Bangketa ng Seattle. Basahin ang report at tingnan ang seksyon "Paano binibigyan ng priyoridad ng Lungsod ang Pagpapanatili at Paglalagay ng Bangketa" upang matutunan pa kung paano namin ginagamit ang lente ng pagkakapantay-pantay sa pagpapanatili at pag-ayos ng mga bangketa ng Seattle. Para sa karagdagang impormasyon sa aming Programang Pag-aayos ng Bangketa, bisitahin ang aming Maintenance Program StoryMap.
Kakayahang ma-access
Para sa mga taong gumagamit ng mga de-gulong na gamit, maaaring mahirap ang maglibot sa lungsod kung linilimita ng mga halamanan at mga hadlang ang pag-access sa mga bangketa na mas makitid pa sa 36". Ang pag-iipon ng niyebe at yelo ay nangangahulugang mas marami pang pagsusubok para sa mga taong gumagamit ng gamit na de-gulong. Sa ibaba ay ang ilang mga mapagkukunan at mga halimbawa kung paano ninyo mapapabuti ang pag-access at mga kondisyon ng mga bangketa para sa lahat ng mga gumagamit.
Ang bike share at scooter share ay mahusay na mga opsyon upang matulungan ang mga tao na makalibot. Subalit, kapag iniwan sa bangketa itong mga pansamantalang sagabal, maaaring mahirapang makalibot ang mga taong malabo o walang paningin at ang mga nasa mobility device tulad ng mga wheelchair. Kapag gumagamit ng bike o scooter share, siguraduhing iparada nang tama sa pamamagitan ng pag-iwan ng hindi kukulang sa 6 na talampakan ng maaliwalas na espasyo sa bangketa at sa pamamagitan ng paglagay ng bisikleta sa isang rack ng bisikleta o sa espasyo sa pagitan ng bangketa at kalye. Huwag harangan ang mga tigilan ng transit, upuan, mga driveway at mga pinto. Kung makakita kayo ng mga maling nakaparada na mga bisikleta at scooter, maaari kayong tumulong sa pamamagitan ng pag-alis sa mga ito para sa mga ibang gumagamit ng bangketa o pagbibigay-alam ukol sa mga ito sa pamamagitan ng alinman sa mga pamamaraan sa ibaba.
Tawagan ang SDOT sa (206) 684-ROAD (7623)
Mag-email sa 684-ROAD@seattle.gov
Gamitin ang Find It, Fix It app ng lungsod
Para sa karagdagang impormasyon sa kung paano at saan maaaring pumarada ng tama, i-klik dito at panoorin ang aming video na "Bike Share Parking: Do the Right Thing!"
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Sidewalk Repair Program, tingnan ang Sidewalk Repair Policy Report, at bisitahin ang aming New Sidewalks & Walkways StoryMap upang matuto ng higit pa ng tungkol sa aming nawawalang mga bangketa at ang aming mga proyekto.
Kung ibig ninyo ng karagdagang impormasyon o upang makagawa ng ADA na kahilingan, bisitahin ang aming SDOT ADA Program na website.
Listahan ng lahat ng mga video
Don't Snow Us In: Palahin ang inyong bangketa upang makapaglakbay ang lahat ng ligtas
Pag-access sa Lugar ng Konstruksyon: Ito'y mahalaga para sa Lahat!
Paradahan ng Bike Share: Gawin ang Tama!
Huwag harangan ang Daan: Pag-unawa sa mga Alituntunin sa mga Kapihan sa Bangketa
Paghahanap ng Code o Regulasyon
Ang disenyo, konstruksyon, at mga aktibidad sa pagpapaayos ng bangketa ng Seattle ay ginagabayan ng Seattle Municipal Codes (SMC), mga patakaran ng Direktor, at iba pang mga dokumento ng polisiya. Nasa ibaba ang isang listahan ng mga nauugnay na mga code at mga regulasyon.
Listahan ng mga Code at mga Regulasyon
- Inaatas ng SMC, Title 15.70 na ang mga may-ari ng lupa ay gawing maayos at ligtas ang bangketang katabi ng kanilang lupa para sa mga layuning pagbibiyahe ng publiko
- Lumikha ang SDOT ng isang Pedestrian Tool Kit na nagbibgay ng mga tinantiyang gastos, mga tala-orasan, at karagdagang impormasyong may konteksto sa kaligtasan ng naglalakad at mga pagbabago sa pagpapakalma ng trapiko
- Client Assistance Memos (CAM):
- CAM 2208 Pagpapanatili at Pag-aayos ng Bangketa
- CAM 2209 Mga Kinakailangan sa Pagpapahintulot para sa Pagpapabuti ng Kalye
- CAM 2119 Ang Gabay sa Charging Cord ng Mga De-Kuryenteng Sasakyan Sa Pagtatawid ng Pampublikong Right-of-Way (Gamit ng mga Residenteng nasa Unang Palapag)
- CAM 2300 Mga Palakad Sa Pagtanim ng Puno sa Kalye
- CAM 2302 Mga Permiso Para sa Pagtatabas o Pagtanggal ng Puno
- CAM 2304 Mga Patakaran sa Pagtatanim ng Strip Paving at Puno
- Mga Manual
- Right of Way Improvement Manual (Streets Illustrated) ay nagbibigay ng mga profile na mga disenyo batay sa uri ng kalye para sa mas ligtas at mas komportableng mga kalye para sa lahat ng mga gumagamit
- Manual Para sa Puno sa Kalye
- Ang Patakaran sa Pagbukas at Muling Pagbabalik ng Right of Way
Bisitahin ang aming Document Library para sa aming 20-taon na Modal na mga Plano para sa paglalakad, pagbibisikleta, transit, at kargamento, mga Ulat at pag-aaral, at mga Ordinansa at mga Patakaran ng Direktor.
Mga video tungkol sa mga Hamon sa Bangketa
Nakipagtulungan kami sa Rooted in Rights upang makagawa ng isang serye ng mga video sa pagpapanatili ng access sa ating mga bangketa. Narito ang ilang mga tip kung paano kayo makakatulong.
Don't Snow Us In: Palahin ang inyong bangketa upang makapaglakbay ang lahat ng ligtas
Pag-access sa Lugar ng Konstruksyon: Ito'y mahalaga para sa Lahat!
Paradahan ng Bike Share: Gawin ang Tama!
Huwag harangan ang Daan: Pag-unawa sa mga Alituntunin sa mga Kapihan sa Bangketa
Mga Pagkukunan Tungkol sa Bangketa at mga Weblink ng Programa
Nasa ibaba ang listahan ng lahat ng mga programa at mga mapagkukunan kabilang sa Gabay sa Bangketa sa Seattle.
Nasa ibaba ang listahan ng lahat ng mga programa at mga mapagkukunan kabilang sa Gabay sa Bangketa sa Seattle:
GIS Data at mga Aplikasyon
- GIS Open Data Portal
- Data ng Puno sa Kalye
- Data ng Asset sa Bangketa
- Data ng Obserbasyon sa Bangketa
- Mga Mapang Interactive
- Mapa ng Mga Asset ng SDOT
- Planner ng Rutang Naa-access ng Seattle
- Hanapin, Ayusin
- Aplikasyon para sa Pananaliksik sa Bangketa
- Aplikasyon sa Mga Aktibidad sa Pagpapanatili ng Bangketa
Mga StoryMap
- Ang Story Map ng Programa ng Pagpapanatili
- StoryMap ng mga Bagong Bangketa at Mga Daanan
- StoryMap ng Pagsusuri at mga Kondisyon ng Bangketa
- StoryMap ng mga Puno para sa Seattle
Mga Website
- Age Friendly ang Seattle
- Mga Koneksyon sa Pamumuhay sa Komunidad
- Programa sa Pag-access ng Wika
- Spill Response Team
- Site ng Mga Sukal na Damo at Sobrang Tumubong Halamanan
- Ang site ng Mga Pananagutan ng Mga May-ari ng Lupa
- Mag-ampon-ng-Kalye!
- Paglinis sa Tagsibol
- Ang mga dahon ng taglagas ay naglalaglagan na, at opisyal na narito na ang taglagas! Oras nang linisin ang ating mga bangketa at simulan na ang paghahanda para sa panahon ng taglamig.
- Paglilinis ng mga Boluntaryo ng mga Bangketa at mga Daanan ng mga Bisikleta sa Timog Seattle
- Programa ng Pamamahala ng Asset at Pagsasagawa
- Pedestrian Program
- Konstruksyon ng Right-of-Way (ROW)
Mga Dokumento
- Ang Municipal Code ng Seattle (SMC), Titulo 15
- Client Assistant Memo 2119
- Client Assistant Memo 2208
- Streets Illustrated
- Programa sa Pag-aayos ng Bangketa
- Pagsusuri ng Bangketa sa Buong Lungsod 2017
- Pedestrian Master Plan (PMP) at PMP Pagsasagawa ng Plano
- Levy to Move Seattle
- Ang Report sa Katayuan at Kondisyon ng Asset ng Transportasyon
- Pagpapatupad sa Masukal na Damo at Halamanan
Naghahanap ng Tulong?
May ilang programa ang Lungsod ng Seattle na maaaring tumulong sa pagkuha ng mga serbisyo at mapabuti ang access sa mga bangketa.
Ang aming Programang SDOT ADA ang may pananagutan para sa pagplano, disenyo, at pagsasagawa ng mga pagpapabuting hiniling ng publiko upang bigyan-daan ang mga may kapansanan ng katumbas na access sa mga asset ng mga naglalakad sa Seattle. Kabilang sa mga pagpapabuting ito ang mga curb ramps, mga naa-access na pedestrian signal (APS), at mga pagsusuri sa bagong teknolohiya. Kung ibig ninyo ng karagdagang impormasyon o gumawa ng isang kahilingan sa ADA, bisitahin ang SDOT ADA Program na website.
Noong 2016, sumali ang Seattle sa World Health Organization at itinalaga ng AARP na Global Network of Age-Friendly Cities and Communities. Ang mga lungsod na nakikibagay sa edad ay nailalarawan sa pamamagitan ng mga panlabas na espasyo at mga gusali; transportasyon; pabahay; pakikilahok sa lipunan; paggalang at pagsasama sa lipunan; pakikilahok na sibiko at trabaho; komunikasyon at impormasyon at suporta sa komunidad at mga serbisyong pangkalusugan. Ibig ninyong matuto ng higit pa tungkol sa mga programa? Bisitahin ang Age Friendly Seattle o makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng email sa agefriendly@seattle.gov
Makipag-ugnayan sa Community Living Connections o tumawag sa 1 (844) 348-5464 upang makakuha ng libre, walang kinikilingan, kumpidensiyal na impormasyon tungkol sa mga mapagkukunan ng komunidad at mga opsiyon sa serbisyo.
Programa sa Pag-aayos sa Tahanan
Ang Programa sa Pag-aayos sa Tahanan ay nagbibigay ng abot-kayang mga pautang sa mga kwalipikado batay sa kita na mga may-ari ng bahay upang matugunan ang mga kritikal na mga isyu ng kalusugan, kaligtasan at istraktura.
Programa sa Pagdiskwento sa mga Utility
Ang Programa ng Utility Discount ay nagbibgay ng tulong sa bayarin para sa mga matatanda, mga taong may kapansanan, at mga parokyanong mababa ang kita.
RainWise
Ang King County Wastewater Treatment Division at ang Seattle Public Utilities ay nagtutulungan upang ibigay ang Green Stormwater Infrastructure (GSI) sa ating mga kapitbahayan at pamahalaan nang natural ang runoff ng tubig-ulan. Bisitahin ang Programang RainWise upang matuto ng higit pa.
Programa ng Libreng Kubeta
Nag-aalok ang Seattle Public Utilities ng libreng matipid sa tubig na mga kubeta para sa mga kwalipikado batay sa kita na mga may-ari ng bahay.
Disclaimer
©2022, ANG LUNGSOD NG SEATTLE, reserbado ang lahat ng karapatan. Ginawa ng Kagawaran ng Transportasyon ng Seattle (SDOT). Ang Lungsod ng Seattle ay hindi gumagawa ng representasyon o warranty tungkol sa katumpakan nito, at sa partikular, sa katumpakan nito sa pag-label, mga dimensyon, mga contour, mga hangganan ng ari-arian, o pagkakalagay o lokasyon ng anumang tampok nitong mapa. Walang anumang uri ng warranty, kabilang ang katumpakan, fitness, o pagiging pangkalakal, na kasama ng produktong ito. Ang mga set ng data ay naglalaman ng heneralisadong, limitadong impormasyon at hindi magagamit upang mahanap o matukoy ang mga hangganan ng ari-arian o mga tampok sa ibabaw.