Ang Plano sa Transportasyon ng Seattle (Seattle Transportation Plan)

አማርኛاَلْعَرَبِيَّةُ • 繁体字 • 日本語 • ភាសាខ្មែរ • 한국어 • ລາວ • Oromiffa • русский язык • af-Soomaali • Español • Tagalog • ภาษาไทย • ትግርኛ • Tiếng việt • English

Ano ang Nagaganap sa Ngayon?

Amin nang sinimulan ang ikalawang round ng pakikipag-ugnayan sa komunidad! Aming nakumpleto ang unang round ng pakikipag-ugnayan sa komunidad, kung saan tinanong namin kayo tungkol sa inyong mga pangangailangan at priyoridad sa transportasyon. Ito ay nakatulong sa amin na bumuo ng kolektibong pananaw at mga layunin para sa kinabukasan ng sistema ng transportasyon ng Seattle.

Sa ika-2 yugto, ibabahagi namin ang aming mga narinig mula sa inyo sa ika-1 yugto at ipapakita kung paano ginagabayan ng inyong input ang pananaw, mga hangarin at mga layunin ng plano. Amin ding hinihiling sa inyo na ibahagi kung paano ninyo gustong maglibot sa hinaharap at anong mga aksyon na gusto ninyo na aming gawin.

Aming kailangan ang inyong tulong sa muling paghubog ng transportasyon sa Seattle!

Kayo ay maaaring magpatuloy na tumulong sa pagbuo ng Plano sa Transportasyon ng Seattle sa maraming paraan. Kami ay nagdagdag ng marami pang mga paraan para kayo makatulong sa paggawa ng STP kasama namin. Bisitahin ang Hub sa Online na Pakikipag-Ugnayan sa Plano ng Transportasyon sa Seattle (Seattle Transportation Plan Online Engagement Hub) para:

  • Suriin ang pananaw, mga layunin at hangarin ng STP
  • Ibahagi kung anong hinaharap ng transportasyon ang inyong gustong makita

Sabihin sa amin kung anong mga aksyon ang inyong gusto at kung paano ninyo gustong maging bahagi ang mga ito ng ating sistema ng transportasyon!

Bisitahin ang Hub sa Online para sa Pakikipag-ugnayan ng Transportasyon sa Seattle (Seattle Transportation Online Engagement Hub) upang makilahok na ngayon.

Mag-sign up para sa aming mga panibagong email

Ano ang Seattle Transportation Plan (STP)?

Ang Seattle Transportation Plan (STP) ay ang aming kompromiso sa pagbuo ng isang sistema ng transportasyon na nagbibigay sa lahat na maka-acess sa ligtas, mabisa, at abot-kaya na pagpipilian upang maabot ang mga lugar at pagkakataon.

Ang ating sistema ng transportasyon ay mas higit pa sa mga kalsada at mga bangketa. Ito ay kinabibilangan ng mga bus, light rail, mga bangketa, mga pampublikong espasyo, at napakarami pang iba. Subalit ang COVID-19, pagbabago ng klima, at ang mabilis na paglago ng populasyon ay nagpapahirap na panatilihing pulido ang pagtakbo ng sistema. Ito ang dahilan kung bakit nais nating lumikha ng isang napapanatili na sistema na gumagana ngayon at sa hinaharap.

Bakit Mahalaga ang STP sa Akin at sa Aking Komunidad?

Saan man kayo magtungo --- maging sa trabaho o paaralan, pagbisita sa mga kaibigan, may kinailangang gawin, pagpunta sa lugar ng inyong sambahan, o pagkain sa labas - nararapat lamang na magawa ang mga ito sa paraang ligtas, mabisa at abot-kaya. Sa madaling salita ang ating pangangailangan sa transportasyon ang naghuhubog sa ating pangaraw-araw na kabuhayan sa maraming paraan. Sa pamamagitan ng pakikibahagi sa paglikha ng STP, tutulungan ninyo kami na makabuo ng sistema na mas makakabuti para sa lahat.

Ang sistema ng transportasyon ng Seattle ay dapat mapakinabangan ng lahat. Kadalasan, sa pagbubuo ng mga plano ng pamahalaan, hindi nila naisasali ang napakaraming tao --- partikular na ang mga Itim, mga Katutubo, o parte ng mga komunidad na may kulay; mga taong LGBTQIA+; mga taong namumuhay ng mahirap; mga komunidad ng imigrante at mga taong hindi nagsasalita sa wikang Ingles sa tahanan; mga kabataan; mga matatanda; at mga taong may mga kapansanan. Aming pinaniniwalaan na ang boses ng lahat ay dapat mapakinggan upang maharap ang kanilang mga pangangailangan.

Sama-sama, ating sagutin ang katanungan: Ano ang inyong ibig makita at maramdaman sa ating sistema ng transportasyon?

Isang pananaw para sa kinabukasan ng transportasyon sa Seattle

Alamin ang tungkol sa at lumahok sa paglikha ng Seattle Transportation Plan (STP)! Gamitin ang site na ito upang kumonekta sa mga pagkakataon na makipag-ugnayan, makahanap ng mga mapagkukunan ng proyekto, at manatiling napapanahon sa prosesong pagpa-plano.

Ano ang Nangyayari sa Ngayon?

Ang aming proseso sa pagpa-plano ay nagsisimula pa lamang, at aming kinakailangan ang inyong tulong!

Upang matulungan kaming makapag-simula, sabihin ninyo sa amin kung papano kayo naglalakbay sa paligid ng Seattle at ipa-alam sa amin ang pinaka-mahusay na paraan para makipag-ugnayan sa inyo sa ating sabay na pag-buo ng plano.

Alamin pa ng mas-marami ang tungkol sa Seattle Transportation Plan

Ang Seattle Transportation Plan ay isang pananaw para sa kinabukasan ng transportasyon sa Seattle. Binuo ng magka-hawak kasama ang komunidad at ginagabayan ng mga hinahalagahan ng SDOT--Kaligtasan, Pagkakapantay-pantay, Klima, at Pangangalaga--ita-tatag ng plano ang mga ibig abutin, mga istratehiya, at mga rekomendasyon para sa sistemang pang-transportasyon na gagana para sa ating lungsod ngayon at sa mga darating na panahon. Inaasahan namin na makipag-trabaho sa inyo, sa komunidad, sa ating paglikha ng mga koneksiyon sa komunidad na naka-tuon na isulit ng husto ang network ng ating transportasyon para sa madla, at hindi lubos na para sa mga sasakyan lamang.

Aming kinikilala na ang mga nakaraang pagsusumikap sa pagpaplano ay nagkulang sa ganap na makipag-ugnayan sa lahat, partikular na sa ating mga Itim, mga Katutubo, at mga komunidad ng mga taong may kulay. Makikisosyo ang SDOT sa mga organisasyong nakabase sa komunidad, na may pangkasalukuyang relasyon sa mga sinisilbihan nilang mga komunidad, upang mapakinggan at matiyak na ang plano ay sinasalamin ang mga kahalagahan at pangangailangan ng lahat.

Sa madaling salita? Ang Seattle Transportation Plan ang paninindigan ng SDOT para sa isang sistema ng transportasyon na pantay-pantay sa lahi at makatarungang panlipunan na hinaharap ang mga pangangailangan ng lahat upang ikonekta tayo lahat nang ligtas at mabilis sa mga lugar na hinahalagahan ng lubos --Paglilikha ng mga Koneksiyon sa Komunidad.

Mga Katanungan na Madalas na tinanong?

Maaari ba na ibahagi mo ang ilan pa tungkol sa Seattle Transportation Plan (STP)?

Ang STP ay isang pananaw para sa hinaharap ng transportasyon sa Seattle. Ang pakikilahok ng komunidad ay isang kritikal na bahagi ng pagbuo ng plano. Ang STP ay magtatatag ng mga layunin, mga estratehiya, at mga rekomendasyon para sa isang sistema na pang-transportasyon na gagana para sa ating lungsod at sa hinaharap. Huhubugin ng plano ang lahat magmula sa hinaharap na pagpopondo ng transportasyon hanggang sa mga proyekto at mga programa na magpapabuti ng ating paraan ng pag-aaliw sa mga pampublikong ispasyo at pag-ba-biyahe sa lungsod.

Inaasahan namin ang pakikipagtulungan sa inyo at sa inyong mga kapitbahay upang lumikha ng isang sistema na pang-transportasyon na makakatugon sa inyong mga pangangailangan.

Kadalasan, sa pagbuo ng pang-pamahalaan ng mga plano, hindi nila isinasali ang mga tao - partikular na ang mga Itim, mga Katutubo, o mga miyembro ng komunidad na iba ang lahi; mga taong LGBTQIA+; mga taong naninirahan sa kahirapan; mga komunidad ng imigrante at mga taong hindi nagsasalita ng wikang Ingles sa tahanan; mga kabataan; mga matatanda; at mga taong may kapansanan. Kami ay naniniwala na nararapat na mapakinggan ang ibig i-abot ng lahat upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan. kami ay nakikipagsosyo sa mga organisasyon na naka-batay sa komunidad, na may mga umiiral na mga kaugnayan sa mga komunidad na kanilang pinaglilingkuran, upang makinig at matiyak na ang plano ay sumasalamin sa mga kahalagahan at pangangailangan ng bawat isa.

Sa madaling salita? Ang Seattle Transportation Plan ay ang aming paninindigan na maka-buo ng sistema na pang-transportasyon na:

  • Natutugunan ang pangangailangan ng bawat isa,
  • Ini-uugnay tayong lahat nang ligtas, magaling, at abot-kaya sa mga lugar at mga oportunidad, at
  • Tinatrato ang lahat --- na walang pagsasaalang-alang sa lahi, klase, kasarian, sekswalidad, nasyonalidad, edad, o kakayahan - na may dignidad at pagiging parehas at makatarungan.

Kailan matatapos ang STP?

Umaasa kami na magkaroon ng preliminaryong plano na para sa pampublikong pagsusuri sa Panahon ng Tagsibol 2023. Maaari ninyong masuri, mag-puna, o tumulong sa paghubog ng plano sa kabuuan ng 2022. Siyasatin ang pahinang ito para sa mga pinaka-bagong balita sa proseso.

Maaari rin kayong makilahok upang makatnggap sa email ng mga pinaka-bagong balita.

Ano ang menu ng mga aksyon ng Plano sa Transportasyon ng Seattle (Seattle Transportation Plan)?

Kami ay nakinig sa inyong ibinahagi sa aming unang yugto ng pakikipag-ugnayan at aming binalangkas ang mga potensyal na aksyon na aming maaaring gawin upang makamit ang aming mga layunin sa transportasyon. Tinatawag namin ang mga ito na menu ng mga aksyon ng Plano sa Transaportasyon ng Seattle. Ang mga ito ay isang hanay ng mga maagang ideya na gusto namin ang inyong feedback habang patuloy naming iniisip kung paano namin gustong lumibot sa lungsod sa hinaharap.

Bisitahin ang aming Hub ng Online na Pakikipag-ugnayan (Online Hub Engagement) upang higit na matuto tungkol sa menu ng mga aksyon at ipaalam sa amin kung paano ninyo gustong makita ang mga ideyang ito na maging bahagi ng hinaharap ng transportasyon sa Seattle.

Maaari ba akong makialam ngayon na?

Oo! Nais naming makabuo ng isang plano na sumasalamin sa inyong mga kahalagahan, mga pangangailangan, at mga karanasan. Bisitahin ang aming Hub sa Online na Pakikipag-Ugnayan sa Plano sa Transportasyon ng Seattle upang ibahagi ang inyong mga ideya!

Kami ay kasalukuyang nasa pangalawa sa tatlong yugto ng aming proseso ng pakikipag-ugnayan. Ipinapakita ng timeline sa ibaba kung paano namin gagawin ang Plano sa Transportasyon ng Seattle kasama kayo.

PALATAKDAAN NG ORAS

Marso 2022: Paglulunsad ng Proyekto!

      • Sa buwang ito, aming ibabahagi ang mga nais naming maabot, mga layunin, iskedyul, at mga oportunidad upang makilahok kasama ang aming mga kasosyo at mga komunidad.

Mayo-Agosto 2022

      • Ika-1 yugto ng pampublikong pakikipag-ugnayan. Sa yugtong ito, kami ay nakipagtulungan sa komunidad upang maunawaan ang inyong mga priyoridad, mga hamon, at mga pangangailangan habang kayo ay naglilibot sa Seattle.

        Salamat sa lahat ng nagbahagi ng inyong input at mga ideya sa unang yugto ng pakikipag-ugnayan! Hiniling namin sa inyo na ibahagi ang inyong mga priyoridad, mga hamon, at mga pangangailangan habang kayo ay naglilibot sa Seattle.

        Aming ibabahagi ang Buod ng Pakikipag-ugnayan sa Ika-1 Yugto ngayong taglagas na magbabalangkas sa kung ano ang aming narinig sa ngayon at kung paano ito humuhubog sa plano. Samantala, maaari ninyong suriin ang mga pin na inilagay ng mga tao sa aming unang kagamitan para sa interactive na pagmamapa sa ika-1 yugto.

Setyembre-Disyembre 2022

      • Ika-2 yugto ng pampublikong pakikipag-ugnayan. Sa ikalawang yugto ng pakikipag-ugnayan, ibabahagi namin ang aming narinig mula sa inyo sa ika-1 yugto at ipapakita kung paano nakakatulong ang inyong input na gabayan ang plano. Amin ding susubukan na maunawaan kung paano ninyo gustong makalibot sa hinaharap, kung anong mga aksyon ang gusto ninyong aming gawin, at kung paano ninyo gustong makita ang mga pagkilos na ito na maging bahagi ng ating sistema ng transportasyon.

Enero-Hunyo 2023

      • Ika-3 yugto ng pampublikong pakikipag-ugnayan. Aming ibabahagi ang draft na STP sa komunidad at hihilingin ang inyong pagsusuri at katugunan upang siguraduhin na kami ay nasa tamang tinatahak.

Tag-init ng 2023

      • Tapusin ang STP. Ang STP ay kompleto na!

Bakit kinakailangan ng Seattle ang planong ito ngayon?

Apurahan at lumilitaw na mga hamon: Sama-sama, tayo'y humaharap sa mga hamon na pang-transportasyon na nakaka-apekto sa ating sistema na pang-transportasyon. Kabilang dito:

      • Ang patuloy na mga epekto ng pandemyang COVID-19 sa mga hanap-buhay ng mga komunidad at ang paraan ng ating pag-lalakbay.
      • Ang hindi inaasahang pangyayari sa klima na nagdudulot ng matinding mga kondisyon ng panahon na nakakaapekto sa ating mga kalsada,
      • Ang paglago ng populasyon na nagpapadami ng trapiko at binibigyang-diin ang pangangailangan para sa abot-kayang pabahay na malapit sa pampublikong transportasyon,
      • at marami pang iba.

Nagdidemanda ang mga ito ng agaran na aksiyon. Dapat natin isa-pananaw at gumawa ng panibagong sistema ng transportasyon na tumutugon sa mga hamon na ito at tumutulong sa lahat na makalibot sa Seattle nang ligtas, magaling at abot-kaya.

Ang pagbubuo ng panibagong alok na may kasamang kondisyon ng pagpopondo para sa transportasyon: Ang ating kasalukuyang alok na may kasamang kondisyon ng pagpopondo, ang Levy to Move Seattle, ay mag-tatapos sa 2024. Nag-bibigay ang Levy to Move Seattle ng $930 milyon sa loob ng siyam na taon (2015-2024) at nagbibigay ng humigit-kumulang sa 30% ng ating salaping laan gugulin sa transportasyon. Kinakailangan naming bumuo ng panibagong alok na may kasamang kondisyon sa pag-popondo na naka-batay sa inyong mga puna. Sa inyong tulong na mailikha ang STP, maaari namin mabuo ang susunod na alok na may kasamang kondisyon sa pagpopondo na tutugon sa inyong mga pangangailangan.

Paghahanay kasama ng Seattle Comprehensive Plan Update: Ang Seattle Comprehensive Plan Update (Comprehensive Plan) ay isang pamamaraan na ginagamit ng mga departamento ng Lungsod kapag gumagawa ng mga malalawak na desisyon kung papaano lalaki at uunlad ang Seattle sa susunod na dalawampung taon. Kasama ng iba pang mga bagay, ang Comprehensive Plan ay may kasama na elemento na pang-transportasyon. Ang Comprehensive Plan ay kasalukuyang binabago kasabay sa pag-bubuo ng Seattle Transportation Plan. Ito ay mahalaga dahil ang Seattle Transportation Plan ay magdudulot ng mas malawak na kaliwanagan sa komunidad na may karagdagang detalye kung papaano mabibigyan-buhay ang mga layunin at mga polisiya ng Comprehensive Plan sa ating sistemang pang-transportasyon.

Anong mga kahalagahan ang tumutulak sa planong ito?

Sinasalamin ng STP ang ating mga kahalagahan. Ang plano ay pagtutuonan din ang klima, pagiging parehas at makatarungan, pangangasiwa, at mga pangangailangan na pang kaligtasan upang tumulong sa pag-tugon sa ating mga pinaka-mahihirap na hamon.

Mga kahalagahan at Mga Layunin ng SDOT:

Pagiging parehas at makatarungan: Kami ay naniniwala na dapat matugunan ng transportasyon ang mga pangangailangan ng mga komunidad na may kulay at ng lahat na kung anumang mga kinikita, mga kakayahan, at mga edad. Ang aming layunin ay makipag-sosyo sa mga komunidad upang magtatag ng sistema na pang-transportasyon na may pagkakapantay-pantay at makatarungan sa lahi at may panlipunang katarungan.

Kaligtasan: Kami ay naniniwala na ang lahat ay dapat na makapag-lalakbay nang ligtas sa buong lungsod. Ang aming layunin ay lumikha ng ligtas na kapaligiran sa transportasyon at alisin ang mga malubha at nakamamatay na mga banggaan sa Seattle.

Kakayahan sa Pagbibiyahe: Kami ay naniniwala na ang mga pinagpipiliang mga transportasyon ay kritikal sa pag-aakseso ng mga oportunidad. Ang aming layunin ay bumuo, magpatakbo, at magpanatili ng isang na-aaksesong sistema ng transportasyon na maa-asahang inuugnay ang mga tao, mga lugar at mga kalakal.

Kakayahang maitaguyod: Kami ay naniniwala na ang kalusugan ng kapaligiran ay dapat mapabuti para sa mga hinaharap na henerasyon sa pamamagitan ng kayang itaguyod na transportasyon. Ang aming layunin ay matugunan ang krisis ng klima sa pamamagitan ng kayang itaguyod, madaling makabawi na sistema ng transportasyon.

Kakayahang Mamuhay: Kami ay naniniwala na ang transportasyon ay mahalaga sa pagsusuporta sa pang-araw-araw na pamumuhay. Ang aming layunin ay pangasiwaan ang ating mga kalye at mga bangketa sa paraan na mapayaman ang pampublikong pamumuhay at mapabuti pa ang kalusugan ng komunidad.

Kahusayan: Kami ay naniniwala na malampasan pa ang mga inaasahan ng mga komunidad na aming pinaglilingkuran. Ang aming layunin ay maka-buo ng isang pangkat na naka-tuon sa kahusayan at gamit-gamit ang mga kasanayang harapin ang mga hamon ngayon at ng kinabukasan.

Mayroon nang maraming plano ang Seattle. Bakit natin kinakailangan ng panibagong plano? Ano ang gagawin nito na kakiba?

Malawakang Pagpaplano: Tutugunin ng STP ang mga kakailanganin sa paglalakbay, pag-aakseso, at ispasyo a pampubliko sa nag-iisang dokumento bilang pinagka-isang sistema. Ang plano ay i-update ang mga kasalukyang tawiran, bisikleta, transit, at mga plano sa kargamento upang matugunan ang aming kasalukuyang at hinaharap na mga pangangailngan. Isasama ng STP and ilan sa mga inisyatiba ng lungsod gaya ng Vision Zero ng Seattle, ang Inisyatibang Lahi at Katarungang Panlipunan (Race and Social Justice Initiative), ang ating Planong Pang-aksiyon sa Klima (Climate Action Plan), ang Blueprint para saTransportation Electrification, at mga iba pa. Sa karagdagan, isasangguni nito ang mga planong itinatag ng iba pang mga rehiyonal na ahensiya ng transportasyon upang makita natin kung anong mga estratehiya ang pinakamabuting magsisilbi sa Seattle.

Pagsasama-sama ng Paraan at kahusayan: Tutulungan ng STP ang mga opsyon sa pag-kilos (tulad ng pagbibisikleta, paglalakad, pagsakay ng transit, at higit pa) na magtulungan upang suportahan kayo na ma-access ang mga oportunidad, mga tao, at mga lugar.

Pakikipag-ugnayan sa komunidad: Ginagawa naming priyoridad para sa STP ang maging malinaw, pagiging kasali ang lahat sa pakikipag-ugnayan. Gagamit kami ng panibagong pamamaraan upang gawing mas madali ito para sa inyo at sa inyong mga kapitbay na makilahok.

Papaano magiging kabilang ang komunidad sa proseso ng pagpaplano?

Ginagabayan ninyo: Ang STP ay inyong gagabayan -- ang ating mga komunidad. Ang inyong mga boses ay makakatulong sa paghubog ng plano. Kami ay makikinig at tutugon sa inyong mga ideya habang kami ay gumagawa upang matugunan ang ating pinakamalaking hamon sa transportasyon na may panibagong pananaw para sa ating lungsod.

Pagtutuon ng pansin sa mga tao na naka-ugalian na na naiiwan sa proseso ng pagpaplano: Kami ay makikipag-ugnay sa mga tao sa kalahatan ng Seattle upang mahubog ang ating hinaharap na sistema ng transportasyon, na naka-tuon sa mga tao na kadalasan ay hindi nai-sasali sa proseso ng pagpaplano. Kabilang dito ang mga Itim, mga Katutubo, o bahagi ng komunidad na may kulay; mga taong LGBTQIA+; mga taong namumuhay sa kahirapan; mga komunidad ng imigrante at mga taong hindi nagsasalita ng wikang Ingles sa tahanan; mga kabataan; mga matatanda; at mga taong may kapansanan.

Pagbubuo ng kapasidad ng mga nasa pinaka-malapit sa komunidad: Nakikipagtulungan kami sa mga organisasyong naka-base sa komunidad at sa Seattle Department of Neighborhoods Community Liaisons upang bumuo ng prosesong pakikipag-ugnayan sa mga nagta-tatag ng pakikipag-ugnayan sa ating mga komunidad, ginagawang mas-madali na maki-lahok ang lahat, at pinalalakas ang pundasyon ng pagkaka-pantay-pantay ng lahi.

Mga panibagong istratehiya sa pakikipag-ugnayan: Sa proseso ng pakikipag-ugnayan ng STP, nagsusumikap kami na gawing mas madali para sa madla na makilahok sa paraan na makatarungan sa lahi at pantay pantay. Maririnig namin ang mas-marami pang mga boses, tiyakin na kasapi ang mga komunidad na kadalasan ay hindi kasali, at tulungan ang madla na maramdaman na ang kanilang pakikilahok ay mahalaga. Gagawin namin ito sa pamamagitan ng pag-gamit ng istratehiyang may kaugnayan sa kultura, naa-access, at inklusibo na binibigyang priyoridad ang kalusugang pampubliko sa panahon ng kasalukuyang pandemya ng COVID-19.

Ang inyong mga boses ang pinaka-mahalagang bahagi ng prosesong ito, at aming inaasahan na makatrabaho kayo at ang inyong mga kapitbahay upang makabuo ng plano na gagana para sa lahat ng Seattle.

Papaano konektado ang STP sa Seattle Comprehensive Plan Update?

Ang Update ng Komprehensibong Plano ng Seattle (The Seattle Comprehensive Plan Update) - ang One Seattle Plan - ang siyang gagabay ng mga mahahalagang desisyon kung papaano lalaki at uunlad ang Seattle sa susunod na dalawampung taon.

Malapit kaming makikitugon sa Office of Planning and Community Development (OPCD) para mabuo ang dalawang plano nang magkasabay. Magkasama, ang STP at ang One Seattle Plan ay tutugunin ang hinaharap sa pabahay, mga trabaho, at mga pamumuhunan sa komunidad.

Bisitahin ang website ng One Seattle Plan ng OPCD para sa karagdagang kaalaman at ibahagi ang inyong mga komentaryo upang magabayan ang malaking larawan ng Seattle sa kinabukasan.

Ano ang proseso ng pagsusuri sa kapaligiran para sa Plano sa Transportasyon ng Seattle?

Ang STP dadaan sa proseso ng pagsusuri ng State Environmental Policy Act (SEPA). Tinitiyak ng SEPA na ang mga kinahahalagahan sa kapaligiran ay lubusang maisasaalang-alang habang nagpaplano at sa proseso ng paggawa ng desisyon.

Ang mga natuklasan ng EIS ay magpapatibay sa aming pangako sa transparency at makakadagdag sa may kaalamang paggawa ng desisyon. Ang inyong mga komento sa EIS ay isinasama kasabay ng input na ibinahagi sa pamamagitan ng mas malaking pakikipag-ugnayan sa komunidad para sa STP.

Panahon sa Pangangalap ng Komento: Ika-16 ng Hunyo – Ika-29 ng Hulyo, 2022

Salamat sa lahat ng nagbahagi ng mga komento sa amin sa panahon ng pagkomento. Ang inyong input ay nagpapaalam kung ano ang isasama sa Pahayag sa Epekto sa Kalikasan.

Transportation

Greg Spotts, Director
Address: 700 5th Ave, Suite 3800, Seattle, WA, 98104
Mailing Address: PO Box 34996, Seattle, WA, 98124-4996
Phone: (206) 684-7623
684-Road@seattle.gov

Newsletter Updates

Subscribe

Sign up for the latest updates from Transportation

The Seattle Department of Transportation (SDOT) is on a mission to deliver a transportation system that provides safe and affordable access to places and opportunities for everyone as we work to achieve our vision of Seattle as a thriving, equitable community powered by dependable transportation.