Hintuan ng Bus sa 3rd Ave S at S Main St

አማርኛ • 繁体字 • 日本語 • 한국어 • af-Soomaali • Español • Tiếng việt • English

Agosto 2, 2022

Ano ang Nangyayari sa Ngayon?

Nagdidisenyo kami ng mga pagpapabuti sa hintuan ng bus sa 3rd Ave S sa gitna ng S Washington St at S Main St upang makagawa ng mas ligtas, mas naa-access, at mas komportableng karanasan para sa mga taong naghihintay ng bus. Ang proyektong ito ay makakatulong sa pagpapabuti ng oras sa pagbibiyahe sa bus at pagiging maaasahan sa pamamagitan ng paglikha ng mas mahusay na gumaganang hintuan ng bus at pagkukumpuni at pagsasaayos muli ng kalye.

Maaaring magbago ang palatakdaan, subalit aming inaasahan na makumpleto ang disenyo ng proyekto sa kalagitnaan ng 2023 at makumpleto ang konstruksyon sa kalagitnaan ng 2024

Pangkalahatang Ideya ng Proyekto

Aming dinidisenyo at ipinapatupad ang proyektong ito sa pakikipag-ugnayan sa King County Metro. Ang proyektong ito ay unang natukoy bilang bahagi ng Third Avenue Transit Corridor Improvement Project, na nagsimula noong 2015. Ang Transit Corridor sa Third Avenue ay umaabot mula Denny Way hanggang S Jackson St, na kumokonekta sa Belltown, sa Central Business District at Pioneer Square. 

Bawat araw ang Transit Corridor ng Third Avenue ay ginagamit ng 65,000 taong naglalakad at gumugulong at nagbibigay ng mga koneksyon sa transit para sa mga taong sumasakay ng bus sa buong ng lungsod at rehiyon. Bago ang pandemya, mahigit sa 2,500 bus ang gumamit ng Third Avenue, dinadala ang mahigit sa 100,000 katao bawat araw. Humigit-kumulang 850 bus na nagsisilbi sa humigit-kumulang 20 iba't ibang mga ruta ng bus ang gumagamit ng hintuan ng bus sa 3rd Ave S at Main St bawat araw. Noong Tagsibol 2020, ang hintuan ng bus na ito ay ang pang-anim na pinakaabalang hintuan ng King County Metro na may higit sa 3,000 na gumagamit bawat karaniwang araw ng trabaho. 

Ang kasalukuyang hintuan ng bus sa 3rd Ave S at S Main St sa ngayon ay kulang ng access at mga katangian ng disenyo para sa isang abalang hintuan ng bus. May mga makitid na bangketa (9-11 talampakan) na walang paghihiwalay sa katabing paradahan. May nag-iisang silungan ng bus lamang na may limitadong ilaw, walang upuan, at walang kuryente. Kabilang sa mga pagpapabuti sa hintuan ng bus ay ang pagpapalawak ng mga bangketa, pagpipinta ng mga tawiran, pagdagdag ng ilawan para sa mga naglalakad, pagtatanim ng mga bagong puno, at ang iba pang mga amenidad kabilang ang: 

  • Mga silungan ng bus
  • Upuan 
  • Ang real-time na pagdating ng bus na impormasyon 
  • ORCA card reader

Upang matulungan na makapagbiyahe ang mga bus nang mas maayos, aming aayusin ang kalye gamit ang bagong semento at isasaayos muli ang kalye upang maging patungong timog lamang. Ang kasalukuyang pagpaparada sa kalye sa silangan ng kalye ay mananatili subalit mababaligtad ang direksyon para sa bagong patungong timog lamang na disenyo ng kalye. 

Ang pagpapabuti sa alkantarilya ng tubig-ulan sa 3rd Ave S at S Main St mula sa Seattle Public Utilities Spot Sewer Repair Program ay kinukumpleto na rin kasama nitong proyekto.  

Lugar ng Proyekto

Aming pinapabuti ang hintuan ng bus na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng 3rd Ave S, sa gitna ng S Washington St at S Main St.

Isang grapikong mapa na nagpapakita ng lokasyon ng nakaplanong hintuan ng bus sa kanlurang bahagi ng 3rd Ave S, sa gitna ng Washington St at S Main St. I-klik para sa PDF na bersyon.

Kasalukuyang disenyo ng kalye:  

Isang grapikong mapa na nagpapakita ng mga kasalukuyang katangian ng mga daanan at mga bloke sa paligid ng nakaplanong hintuan ng bus, pati na ang mga tawiran, daanang pambisikleta lamang, daanang panglikuan, at mga pasilidad ng Seattle Union Gospel Mission. I-klik para sa mas malaking PDF na bersyon.

Larawan ng nasirang kalye sa kasalukuyang hintuan na aming aayusin gamit ang kongkreto. Nilarawan sa itaas: nasirang daan na aming aayusin gamit ang semento.   

Isang litratong kinunan na nakatingin pababa sa 3rd sa kasalukuyang silungan sa hintuan ng bus na may bus sa gilid ng bangketa.

Nakalitrato sa itaas: mga taong nag-aantay sa kasalukuyang hintuan ng bus

Disenyo ng kalye sa hinaharap:  

Isang grapikong mapa na nagpapakita ng mga lokasyon ng nakaplanong mga katangian upang mapabuti ang kasalukuyang hintuan ng bus sa 3rd at Main, pati na ang mas malawak na bangketa, mga bagong puno, isang kongkretong pad para sa bus, at bagong silungan na may ilaw.

Iskedyul ng Proyekto

Ang iskedyul sa ibaba ay nagpapakita ng mga nakaplanong milestone at maaaring magbago:

    • Hulyo 2022: 30% na disenyo
    • Abril 2023: 60% na disenyo 
    • Hunyo 2023: 90% na disenyo
    • Agosto 2023: Panghuling disenyo 
    • Maagang 2024: Magsisimula ang konstruksiyon
    • Tag-init 2024: Tapos na ang konstruksyon 

Pagpopondo

Ang proyektong ito ay higit na napondohan sa pamamagitan ng mga gawad mula sa Federal Transit Administration.  Ang pagpopondong binigay ng FTA ay magpopondo lamang sa mga pagpapabuti sa 3rd Ave S sa gitna ng S Washington at S Main St. Kabilang sa mga karagdagang pinagmumulan ng pagpopondo ang Move Seattle Levy, King County Metro at Seattle Public Utilities.

Mga Materyales Ukol sa Proyekto

Ang mga materyales sa proyekto ay ibabahagi habang ang mga ito ay binubuo.  

Mga Kaugnay na Proyekto 

Transportation

Greg Spotts, Director
Address: 700 5th Ave, Suite 3800, Seattle, WA, 98104
Mailing Address: PO Box 34996, Seattle, WA, 98124-4996
Phone: (206) 684-7623
684-Road@seattle.gov

Newsletter Updates

Subscribe

Sign up for the latest updates from Transportation

The Seattle Department of Transportation (SDOT) is on a mission to deliver a transportation system that provides safe and affordable access to places and opportunities for everyone as we work to achieve our vision of Seattle as a thriving, equitable community powered by dependable transportation.